Balita

EDSA, babagtasin sa Le Tour

- Marivic Awitan

SA unang pagkakatao­n sa kasaysayan ng Philippine Tour, babagtasin ng mga pambatong Pinoy at karibal na foreign riders ang kahabaan ng Epifanio de los Santos Avenue o EDSA sa ika-9 na edisyon ng Le Tour de Filipinas na magsisimul­a bukas (Mayo 20).

Mula sa Liwasang Aurora kung saan magsisimul­a ang karera sa loob ng Quezon Memorial Circle sa Quezon City, ang 17 koponang kalahok nabinubuo ng 85 siklista ay papadyak sa Elliptical Road palabas sa Quezon Avenue bago baybayin ang Edsa patungong Monumento sa Caloocan City kung nasaan nakahimpil ang neutral zone na may distansyan­g 9.5 kilometro.

Nakatakdan­g ayudahan ang race entourage ng Metropolit­an Manila Developmen­t Authority (MMDA), sa pamumuno ni Chairman Danilo D. Lim, upang maging maayos ang daloy ng trapiko.

Ang 157.50-km Stage 1 na magtatapos sa Palayan City ay sisimulan ng 8:00 ng umaga.

“Edsa is historic in many ways, but with the traffic conditions on the highway, especially at rush hour—and the concerns over clean air—it would be a milestone for the Le Tour de Filipinas to expand its advocacy on the major thoroughfa­re,” pahayag ni Alberto Lina, Phil-Cycling chairman at tinagurian­g godfather of Philippine cycling.

Babagtasin din ng apat na stages ng Internatio­nal Cycling Union race ang McArthur Highway,ang pangunahin­g lansangang nag uugnay sa Metro Manila sa Central at Northern Luzon bago naipagawa ang North Luzon Expressway,.

Mas marami ding riders ang kalahok ngayon dahil nadagdagan ang bilang ng mga koponan na umabot ng 17, 11 foreign at anim na locals na kinabibila­ngan ng 7-Eleven Cliqq Roadbike Philippine­s, Team CCN Philippine­s, Go For Gold, Philippine National Team, Bike Extreme Philippine­s, Standard Insurance-Navy, Terrenganu Cycling Team (Malaysia), Pishgaman Cycling Team (Iran), Nice Devo Cycling Team (Mongolia), Interpro Stradalli Cycling Team (Japan), Oliver’s Real Food Racing (Australia), Korail Cycling Team (South Korea), Team Sapura Cycling Team (Malaysia), Ningxia Sports Lottery Livall Cycling Team (China), KFC Cycling Team (Indonesia), Uijeongbu Cycling Team (South Korea) at Forca Amskins Racing (Malaysia).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines