Balita

Agot, tatanggapi­n ang alok ng oposisyon?

- Ni JIMI ESCALA

BINANGGIT sa amin ng kaibigan naming kongresist­a na may posibilida­d na tanggapin ni Agot Isidro ang alok ng Liberal Party sa pamamagita­n ni Sen. Kiko Pangilinan na tumakbo para senador sa darating na eleksiyon.

May pag-asa raw na na mapasama sa mga mananalong senador sa 2019 elections dahil sa matatapang na pahayag ng aktres laban sa administra­syon ni Presidente Rody Duterte.

Pero ayon sa kakilala naming malapit kay Agot, dapat na pag-isipang mabuti ng singer/actress ang pagpasok sa magulong pulitika. Pero tulad ng sinabi ng kongresist­a, naniniwala rin siya na malaki ang posibilida­d na tanggapin ni Agot ang alok ng oposisyon dahil gigil na gigil na rin daw ang aktres at mas maipapahay­ag nito ang mga saloobin pagdating ng kampanyaha­n.

Isa sa matatapang na kritiko ng administra­syon si Agot. Kaya tiyak na pasok na pasok ang aktres sa mga iboboto ng anti-Duterte at tiyak na susuportah­an siya ng mga ito. Sa darating na October pa ang filing ng candidacy para sa 2019 elections, at dahil napag-usapan na ang pangalan ni Agot, tiyak na mapapasama na rin ang pangalan niya sa susunod na survey sa mga tatakbong senador.

Hati naman ang nakukuha naming reaksiyon sa mga taga-showbiz. Pero higit na mas marami ang pabor at meron din namang kontra. Isang kasamahang showbiz reporter ang nagsabing matatalo lang daw si Agot, kontra sa maraming naniniwala na mananalo ang singer/actress.

Ayun sa isang beteranong manunulat, kailangan sa Senado ang katulad ni Agot Isidro. Kung kumpara lang naman daw kay Mocha Uson, sampung doble raw n iyang ipaglalaba­n si Agot.

Ayon naman isa sikat na aktres na nakausap namin, nakakasigu­ro na si Agot sa suporta niya.

 ??  ??
 ??  ?? Agot
Agot

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines