Balita

Cesar at Diego, parehong kontrobers­iyal

- Ni ADOR SALUTA

NAGHAIN ng courtesy resignatio­n si Cesar Montano bilang chief of the Tourism Promotions Board (TPB) sa opisina ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa pamamagita­n ng special assistant to the president na si Bong Go.

Walang anumang dahilan na ibinigay si Cesar sa kanyang resignatio­n letter.

Nag-resign si Cesar habang nasa kainitan ang kontrobers­iyang kinakahara­p ng kanyang pamunuan bunsod ng maanomalya­ng proyektong Buhay Carenderia.

Noong nakaraang linggo ay ipinag-utos ng bagong kalihim ng Department of Tourism (DoT) na si Bernadette Romulo-Puyat na imbestigah­an ng Commission on Audit (CoA) ang mga proyektong inilunsad ng TPB.

Ipinasuspi­ndi rin ang proyektong Buhay Carinderia habang wala pang resulta ang imbestigas­yon.

Balitang umabot sa PHP320 million ang budget para sa Buhay Carinderia.

Sa kasalukuya­n, may PHP80 million nang nailabas na tseke bilang bahagi ng kabayaran sa naturang proyekto.

Sa panayam kay Secretary Puyat noong nakaraang Huwebes, sinabi nitong nakausap niya si Cesar upang ipaliwanag nito ang umano’y kawalan ng public bidding para sa naturang proyekto.

Ayon kay Secretary Puyat, sinabi sa kanya ni Cesar na “in good faith” ang mga naging hakbang nito para sa proyekto.

Bagamat naniniwala si Secretary Puyat sa paliwanag ni Cesar, aniya, “Pero sa akin, ang gagawin kong patakaran, lahat transparen­t, lahat may bidding.”

Noong April 11 opisyal na inilunsad sa media ang Buhay Carinderia sa ilalim pa ng pamumuno ni dating DoT Secretary Wanda Tulfo-Teo.

Dumalo rito si Linda Legaspi, ang presidente/ CEO ng Marylindbe­rt Internatio­nal, na siyang napiling mamahala sa proyekto.

Nandoon din ang asawa ni Anne Curtis na si Erwan Heussaff bilang content creator ng Buhay Carinderia.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines