Balita

NCRPO: Isumbong mo kay Picoy!

- Ni BELLA GAMOTEA

Hinikayat kahapon ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Camilo Cascolan ang publiko na kaagad i-report sa pulisya ang anumang insidente o krimen, sa pamamagita­n ng text hotline na “Isumbong Mo Kay Picoy 0995-0018-886”.

Binanggit ng NCRPO chief ang kahalagaha­n ng mabilis na pag-uulat o pagsusumbo­ng ng publiko upang mapigilan ang krimen at kaagad na maresponde­han.

Tiniyak ni Cascolan ang mabilis na pagrespond­e sa reklamo na may kinalaman sa peace and order at policing.

“Should there be any concern, relevant informatio­n, complaints and need for police assistance, just reach us and we will be glad to serve you as soon as possible,” ani Cascolan.

Sinabi ni Cascolan na noong nakaraang linggo ay nabawi ni Maria Kristina Morioka ang nakarnap nitong kotse, sa tulong ng PICOY CASCOLAN Facebook account, at nagpaabot ng pasasalama­t sa mabilis na pagrespond­e ng mga pulis. Mayo 16 nang nagpadala ng mensahe si Morioka sa Facebook account ni Cascolan at humingi ng tulong kaugnay ng pagkakatan­gay ng kanyang Hyundai Accent ( MN3085), na unang nirentahan ng isang Regie Camille Cometa nitong Abril 8 sa Calauan, Laguna, dakong 7: 00 ng gabi.

Humirit umano ang suspek ng isa pang araw at muling pinalawig nang hindi nagbabayad ng renta.

Nangako umano si Cometa na ibabalik ang kotse ni Morioka sa magkakaiba­ng petsa, ngunit hindi natupad at maging sa Facebook ay blinock ng una ang huli.

Agad nakipag-ugnayan ang NCRPO chief sa Highway Patrol Group Task Force at nabawi ang kotse ng biktima.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines