Balita

Iniwan ng pamilya, sinunog ang bahay

- Orly L. Barcala

Aabot sa 24 na pamilya ang nadamay sa sunog makaraang paliyabin ng isang lalaki ang kanyang kuwarto sa Navotas City, nitong Lunes ng gabi.

Agad inaresto ang suspek na si Vergel Balera, 35, ng North Bay Boulevard North ng nasabing lungsod.

Ayon kay Balera naburyong siya nang iwan siya ng kanyang misis at kanilang mga anak. Naglasing at kumuha ng posporo at sinindihan ang kanyang kuwarto na nasa ikalawang palapag ng bahay, dakong 9:00 ng gabi.

Naisip din umano ni Balera na hindi lumabas mula sa nasusunog na kuwarto, ngunit masuwerten­g nakita at hinatak ng mga kapatid.

Mabilis na kumalat ang apoy at nadamay ang 12 bahay.

Ayon kay Supt. Edwin Vargas, Fire Marshall ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Navotas Fire Station, nahirapan makapasok ang mga fire trucks dahil makipot ang daan.

“Naubusan din kami ng tubig kaya nag-refill pa,” ani Vargas.

Tumagal ng isang oras bago idineklara­ng fire-out ang sunog habang walang iniulat na nasaktan at inaalam pa kung magkano ang halaga ng mga naabo.

Ayon kay Vargas, bagamat umamin sa krimen ang suspek ay magsasagaw­a pa rin sila ng imbestigas­yon upang tuluyang masampahan ng kasong arson si Balera na kasalukuya­ng nakakulong sa Navotas Detention Cell.

“Lasing kasi siya ( suspek) nang umamin sa krimen, kaya magsasagaw­a pa rin kami ng imbestigas­yon,” dagdag pa ni Vargas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines