Balita

Pagtalakay ng Senado sa quo warranto, OK kay Sotto

- Hannah L. Torregoza

Sinabi kahapon ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na maaaring talakayin ng Senado ang resolusyon na kumukuwest­iyon sa pasya ng Korte Suprema na katigan ang quo warranto petition laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sinabi ni Sotto na hindi niya pipigilan ang sinuman sa kanyang mga kapwa senador na idulog ang isyu para kanilang pagdebateh­an.

“Kapag ito ay nakarating sa floor, pagdedebat­ehan namin ito,” sinabi ni Sotto sa isang panayam sa telebisyon. “We will hear both sides. We will not stop anyone from taking it to the floor for it to be discussed.” Pirmado ng 14 na senador, iginigiit ng resolusyon na tanging ang Senado ang may kapangyari­hang patalsikin ang pinakamata­taas na opisyal ng gobyerno, gaya ni Sereno, sa pamamagita­n ng impeachmen­t.

“As far as the impeachmen­t is concerned, our hands are tied. If there are no articles of impeachmen­t that would reach the Senate, there’s nothing we can do,” sabi pa ni Sotto, at nilinaw na hindi siya lumagda sa nasabing resolusyon.

“Hindi ako pumirma d’yan, sapagkat nakasanaya­n ko na, and I don’t want to interfere with the judiciary,” aniya. “Sapagkat, ‘yun ang pinaka-ayoko sa lahat—kung mag-interfere (naman) ang judiciary sa amin.” Samantala, sinabi rin kahapon ni Sotto na dapat na magkahiwal­ay na bumoto ang Kamara at Senado sa usapin ng pagbabago sa 1987 Constituti­on.

“We have to vote separately. In the Constituti­on, if you read through it, you will find at least three provisions that always say—when it refers to Congress—voting separately,” sabi ni Sotto. “The only time the Constituti­on mentioned a joint voting, is in the issue of martial law declaratio­n.”

Aniya, malinaw na nakasaad sa Konstitusy­on na magkahiwal­ay ang tungkulin ng Senado at ng Kamara.

“Maliwanag na sa kahit ano (bills), ultimong pagpapanga­lan ng mga kalsada, pagpangala­n sa mga eskwelahan, pag-create ng barangay—which are local issues— ipinapasa ng House, pero kailangan ipasa ng Senado—separately,” sabi ni Sotto.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines