Balita

Marawi rehab, sisimulan matapos ng Ramadhan

- Nina ALI G. MACABALANG at BONITA L. ERMAC

Inihayag ni Marawi City Mayor Majul Gandamra na sisimulan ang malawakang rehabilita­syon sa nawasak na lungsod sa kalagitnaa­n ng Hunyo, o pagkatapos ng Eid’l Fitr, ang tanda ng pagtatapos ng Ramadhan, at sisimulan ang pagbangon sa mismong Ground Zero.

Ito ang inihayag ng alkalde sa isang panayam sa radyo nitong Lunes, kasabay ng paglalahad ng mga aktibidad na inihanda ng kanyang opisina para sa unang anibersary­o ngayong araw, Mayo 23, nang pagsalakay ng Maute-ISIS sa siyudad, na sinundan ng limang-buwang digmaan.

Inaasahang magsasagaw­a ng iftar (hapunan matapos ang paglubog ng araw sa panahon ng Ramadhan) ngayong Miyekules ng gabi ang pamilya, kamag-anak at ilang tagasuport­a ng pinuno ng lungsod, bilang pasasalama­t sa kaligtasan mula sa pagsasanib-puwersa ng Maute-ISIS at Abu Sayyaf Group.

Matatandaa­ng si Mayor Gandmra, kasama ng ilan niyang tagasuport­a, ay nanatili sa kanyang opisina sa loob ng mahigit isang linggo makaraang sumalakay sa siyudad ang Maute noong Mayo 23, 2017, upang depensahan ang city hall mula sa mga terorista.

Sa panayam, sinabi ni Gandamra na ang nakatakdan­g konstruksi­yon ay magbibigay ng malaking pagbabago sa pisikal na anyo ng 24-ektaryang main battle zone o ang Ground Zero ng Marawi.

Una nang inihayag ni Housing and Urban Developmen­t Coordinati­ng Council (HUDCC) Chairman Eduardo del Rosario na sisimulan ang rehabilita­syon sa Ground Zero.

Sinabi rin ni del Rosario, na namumuno sa Task Force Bangon Marawi, na papayagan nang makauwi sa kanilang tahanan ang mga bakwit na nasa 67 evacuation centers bago matapos ang taon. PROBLEMADO­NG RESIDENTE “Ang dalawang building ko, ang dalawang building ko!” Ito ang himutok ng taga-Marawi na si Ismael Oti, 60, habang itinuturo ang dalawang limang-palapag na gusali sa loob ng Ground Zero, na naabo matapos ang digmaan.

Isa si Oti sa mga pinayagan nang makabalik sa Marawi nitong Mayo 10 upang mabisita ang kanyang mga ari-arian at maisalba ang maaari pang pakinabang­an bago simula ang rehabilita­syon.

Iginiit ni Oti na naipundar niya ang lahat ng kanyang ari-arian sa mabuting paraan sa mga nagdaang taon.

“Walang masama d’yan, hindi ako nagdroga, hindi ako nagnakaw at nag-fivesix, masama sa amin ‘yan,” ani Oti.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines