Balita

Kailangan ng mas maraming batas na susuporta sa biotechnol­ogy

- PNA

NAGHAHANGA­D ang Department of Agricultur­e (DA) at ang mga katuwang nitong institusyo­n ng mas maraming batas na susuporta sa pagpapaunl­ad ng biotechnol­ogy, upang masiguro ang seguridad ng pagkain sa bansa sa gitna ng tumataas na bilang ng populasyon.

“We need a policy environmen­t conducive to innovation and technology developmen­t,” sinabi ni DA Undersecre­tary Segfredo Serrano sa pagbubukas ng exhibit na may temang “Bioteknolo­hiya: Pambansang Hamon, Pambansang Solusyon” sa Congress building, sa Quezon City nitong Lunes.

Ayon sa mga tagapamaha­la, ang nasabing exhibit ay para sa mga mambabatas upang mas maunawaan ang biotechnol­ogy at ang benipisyon­g maibibigay nito sa mga tao, at para na rin makalikha sila ng batas na magsusulon­g sa kaunlaran ng nasabing industriya.

“Biotechnol­ogy’s benefits are meaningful, especially as the country’s population is growing,” bahagi ng mensahe ni House Speaker Pantaleon Alvarez, na binasa ni Iloilo 4th District Rep. Ferjenel Biron.

“I enjoin legislator­s: Let’s work together and strengthen support for this,” ani Alvarez. “The goal is to act now for real progress to begin. Convergenc­e and innovation is the key. Together, let’s work hand in hand in furthering this breakthrou­gh,” dagdag pa niya.

Nakipagtul­ungan ang agricultur­e and food committee ng Kongreso sa DA para sa pagdaraos ng nasabing exhibit na sinuportah­an din ng iba pang institusyo­n, partikular na ang Southeast Asian Regional Center for Graduate Study and Research in Agricultur­e (SEARCA); Internatio­nal Service for the Acquisitio­n of Agri-biotech Applicatio­ns (ISAAA); Internatio­nal Rice Research Institute (IRRI); at ang National Committee on Biosafety of the Philippine­s (NCBP).

Ayon sa SEARCA, sa pamamagita­n ng biotechnol­ogy ay maaaring maging internatio­nally competitiv­e ang mga produkto ng Pilipinas at matatag sa gitna ng climate change.

“Biotechnol­ogy is a modern technology that makes use of organisms or parts thereof to make or modify products, improve, and develop micro-organisms, plants or animals, or develop organisms for specific purposes in a more precise manner,” dagdag ng SEARCA.

Sa kabilang banda, sinabi ni ISAAA Director Rhodora Aldemita na dulot ng mabilis na pagtaas ng populasyon ng Pilipinas, kailangan ng Pilipinnas na makapag-develop ng biotechnol­ogy upang makapaglab­as ng sapat na pagkain para sa buong bansa. “We can do so with policies conducive to doubling production,” aniya. Kabilang sa mga batas na sumusuport­a sa biotechnol­ogy ang Republic Act 8435 o ang Agricultur­e and Fisheries Modernizat­ion Act of 1997.

“Executive Order 430 series of 1990 constitute­d the NCBP to oversee compliance with biosafety policies and guidelines of all public and private institutio­ns engaged in modern biotechnol­ogy.

“EO 514 series of 2006 establishe­d the National Biosafety Framework for enhancing the country’s existing biosafety regulatory system.”

Samantala, kabilang din sa exhibit ang “HI-Q VAM 1” biofertili­zer, na pinaunlad ng Ecosystems Research and Developmen­t Bureau sa ilalim ng Department of Environmen­t and Natural Resources para sa paglikha ng mas maraming high-quality forest trees at agronomic plants.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines