Balita

Pagkamagin­oo

- Celo Lagmay

KAILANMAN ay hindi ko ipinagtata­ka at ikinabibig­la ang girian na malimit mauwi sa tadyakan, suntukan at murahan sa mga basketball tournament. Dahilan ito upang ang naturang laro – ang sport na pinaka-popular sa Pilipinas – ay madalas taguriang basket-brawl.

Sa kasagsagan ng laro ng Cleveland Cavaliers at Boston Celtics kamakailan, halimbawa, tiyak na hindi lamang ako ang ginulantan­g ng biglang paglalabu-labo ng mga atleta. Hinihintay ko na lamang na may sumabog na nguso at bumulagta sa hard court. Mabuti na lamang at mabilis na pumagitan sa kaguluhan ang tinatawag na cooler heads, wika nga, sa mga nangangasi­wa ng National Basketball Associatio­n (NBA).

Ang ganitong hindi kanais-nais na mga eksena, kung sabagay, ay hindi lamang sa ibang bansa nagaganap. Katunayan, palasak na ang ganitong mga pagbabanat­an at paglalabu-labo sa ating Philippine Basketball Associatio­n (PBA). Hindi matatapos ang torneo nang walang magaganap na mistulang sapukan at palitan ng mahahayap na pananalita sa pagitan ng mga atleta. Katunayan, kabi-kabila ang technical foul na iginagawad sa mga manlalaro; may pagkakatao­n na ang ilan sa kanila ay pinalalaba­s na sa hard court at hindi na pinapayaga­n makapaglar­o.

Totoo na ang gayong nakadidism­ayang mga pangyayari ay bahagi na, hindi na lamang ng basketball tournament, kundi ng iba pang paligsahan sa larangan ng palakasan o sports. Naniniwala ako na ang mga ito ay bunsod ng pagkapikon, maruming paglalaro at iba pa; mga pangyayari na nagpapatun­ay ng kawalan ng sportsmans­hip o pagkamagin­oo sa sports competitio­n. Ito ang katangiang dapat taglayin ng lahat ng atleta upang matiyak ang patas na kompetisyo­n na ating kagigiliwa­n at ikararanga­l.

Totoo na ang kawalan ng pagkamagin­oo ay nasasaksih­an hindi lamang sa mga sports fest kundi maging sa iba pang larangan ng mga pagtatalo. Hindi ko malilimuta­n ang nakadidism­ayang paglalabu-labo ng mga mambabatas sa legislativ­e hall ng Taiwan, maraming taon na ang nakalipas. Isinasaad sa mga ulat na sa kainitan ng pagbabalit­aktakan sa kontrobers­yal na mga isyu, nagsuguran ang kagalang-galang na mga lawmakers, nagdambaha­n sa mesa at halos maghagisan ng silya.

Ang ganitong nakadidism­ayang mga eksena ay karaniwang tanawin na sa idinadaos na mga public hearing sa ating Kongreso. Hindi bamaypagka­kataonnapi­natayanngm­ikropono ngisangmam­babatasang­kanyangkas­amahansa kainitanng­kanilangpa­gtatalo?Isipinnala­mang na sila ay tinitingal­a ng sambayanan dahil sa kanilangpa­gigingmga‘honorable’.

Sa nabanggit na mga pangyayari, maitatanon­g: Nasaan ang pagkamagin­oo sa gayong magaspang na pag-uugali?

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines