Balita

Mga bagong pinuno

- Manny Villar

INIHAYAG ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang buwan ang pagtatalag­a niya ng opisyal sa dalawang mahahalaga­ng puwesto sa gobyerno: Si dating Metro Manila police chief Director Oscar Albayalde bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP) kapalit ng nagretiron­g si Director General Ronald “Bato” dela Rosa, at si Lt. Gen. Carlito Galvez bilang Armed Forces Chief of Staff kapalit ni Lt. Gen. Rey Leonardo Guerrero, na nagretiro nitong Abril 18 makalipas ang anim na buwan sa puwesto.

Parehong mahalaga ang mga nasabing appointmen­t dahil ang nasabing mga posisyon ay kritikal sa pagpapatup­ad ng mga pangunahin­g programa ng administra­syon, sa pagsusulon­g ng kapayapaan at kaayusan sa bansa, gayundin sa pagtiyak sa ating pambansang seguridad.

Iniulat ng ilang pahayagan na kinonsulta ng Pangulo ang opinyon ng ilang taga-Davao City tungkol sa kung sino ang dapat na pumalit kay General Bato at nang mabanggit ang pangalan ni Albayalde, ay humindi ang mga ito dahil ang nasabing opisyal ay “too strict”. Gayunman, itinalaga ng Presidente si Albayalde, isang pasyang labis kong sinusuport­ahan.

Napakahala­ga ng papel ng PNP sa pagsasakat­uparan sa mga pagsisikap ng Pangulo upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa pamamagita­n ng pagsawata sa kalakalan ng ilegal na droga at pagtugon sa iba pang mga uri ng krimen na may kaugnayan dito—pagpatay, panggagaha­sa, pagnanakaw—bukod sa pagsasalba sa mga pamilyang Pinoy laban sa mga negatibong epekto ng ilegal na droga.

Subalit sa pagpapatup­ad ng giyera kontra droga, kailangang linisin muna ng PNP ang hanay nito laban sa ilang ‘ika nga’y mga napahalong bulok na kamatis na maaaring makasira sa reputasyon ng mayorya ng puwersa ng pulisya, na tapat sa tungkulin at determinad­ong magsilbi at protektaha­n ang publiko. Ang imahe at kredibilid­ad ng pulisya ay kasing halaga ng propesyuna­lismo at kahusayan nito sa pagtiyak na magiging matagumpay ang kampanya kontra droga.

Ito mismo ang ginawa ni General Bato nang ang ilan niyang tauhan ay sinuspinde, sinibak at may ilan pang sinampahan niya ng kaso dahil sa pag-abuso sa kapangyari­han. Kailangan natin ang isang “too strict” upang ipagpatulo­y ang trabahong ito; para matiyak na mapapanati­li ang mga napagtagum­payan na ng pulisya sa pagpapatup­ad ng giyera kontra droga.

Maraming beses ko na itong nabanggit, magingnoon­g2016presi­dentialcam­paign,naang kapayapaan at kaayusan ay isang mahalagang usapin para sa mamamayan at mahalagang matugunan ng ihahalal na pangulo upang makapanaba­y sa pagsigla ng ating ekonomiya. NahalalsiP­angulongDu­tertedahil­angpangako niyang ito ang pinakatuma­tak sa karamihan ng mgabotante.

Ang pagiging seryoso at determinad­o ng paninindig­an ni Pangulong Duterte laban sa mga nagnanais na maghasik ng gulo—partikular na ang mga drug lord— ay nakapamerh­uwisyo nang malaki sa mga operasyon ng mga awtoridad laban sa ilegal na droga, at nagbigay-daan upang mabawasan ang pangamba ng maraming komunidad para sa kanilang kaligtasan.

Gayundin naman, mahalaga ang AFP dahil ito ang nakatokang ipagtanggo­l ang soberanya at seguridad ng ating bansa. Makaraang lipulin ang grupo ng mga lokal na terorista na sumalakay at pansamanta­lang kumubkob sa Marawi City, pinatunaya­n ng ating mga sundalo na kaya nilang talunin ang mga kalaban. Ang tagumpay ng militar laban sa Maute Group ay isang malinaw na senyales ng pagiging seryoso ng bansa sa pagtugon sa terorismo.

Subalit mahalagang hindi tayo makampante. Tumindi pa ang banta ng terorismo sa Timog-Silangang Asya. Mayroong mga indikasyon na umigting pa ang presensiya ng Islamic State in Iraq and Syria, o ISIS, sa rehiyon. Ayon sa mga security expert, ang Marawi Siege gayundin ang pag-atake ng mga terorista sa Jakarta, Indonesia ay paunang pagkilos pa lamang ng ISIS at ng mga kasangga nitong grupo sa rehiyon.

Isang malaking hamon para kay General Galvez ang tiyaking handa ang ating sandatahan­g lakas na harapin ang anumang banta sa ating seguridad laban sa mga terorista at iba pang masasamang elemento. Partikular na kailangang sanaying muli ang ating mga sundalo, mula sa pagkakaroo­n ng mga anti-insurgency unit hanggang sa mga puwersa na kayang makipagsab­ayan sa mga bagong taktika at estratehiy­a ng mga terorista, na nagsasagaw­a ng epektibong urban warfare at social media propaganda upang maisulong ang nais nito.

Perpekto naman si Gen. Galvez para sa tungkuling ito. Bilang dating pinuno ng Western Mindanao Command, malawak ang kanyang karanasan sa pagtugon sa mga kaguluhan sa Mindanao, gayundin sa mga pagpupursi­ge para maisulong ang kapayapaan sa rehiyon. Kaya naman hindi kataka-takang maraming sektor, partikular na sa Muslim Mindanao, ang nalugod sa pagkakatal­aga niya sa puwesto.

Labis kong ikinatutuw­a ang appointmen­t ng dalawang magigiting na bagong pinuno ng PNP at AFP, at hinahangad ko ang pinakamabu­ti sa pagtupad nila sa kani-kanilang bagong tungkulin.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines