Balita

Checkpoint sa kalsada, nakatutulo­ng ba?

- Dave M. Veridiano, E.E.

KUMAKAGAT pa lamang ang dilim, walang patid araw-araw, ay mapapansin ang kabikabila­ng checkpoint sa mga pangunahin­g lansangan sa Metro Manila.

Maraming natutuwa, isa na ako sa mga ito, ngunit marami rin ang kariringga­n ng matatalim na komento hinggil sa pamamaraan ng mga pulis, sa kanilang pagtse-checkpoint.

Karamihan sa mga natutuwa ay nagsasabi na malaking tulong ito sa pagbaba, di man tuluyang mawala, ng kriminalid­ad sa mga pangunahin­g lugar sa bansa. Dagdag pa nila, ‘yong may itinatago lamang na masamang gawain ang takot na ma-checkpoint!

Sa kabilang banda naman, sinasabi ng mga galit sa checkpoint na mas ninenerbiy­os sila tuwing dadaan sa lugar na maraming pulis dahil sa masamang imahe ng mga ito na kadalasang kundi man nasasangko­t sa krimen, ay ang mga ito mismo ang nagiging protektor ng mga nagkalat na kriminal.

Parehong nasa katuwiran ang dalawang grupo dahil tama lamang ang kanilang mga ipinupunto rito. Ang tanong ko naman sa sarili ko ay bakit nga ba nahahati ng ganito ang pananaw ng mga tao sa checkpoint samantalan­g ito ay para sa katahimika­n naman ng lugar na nasasakupa­n ng mga pulis? Dapat ito lang –matuwa ang lahat sa resulta at makipagtul­ungan sa pulis sa kapayapaan ng bawat lugar!

Kaya nitong mga nakaraang gabi, kinati na naman ang aking mga talampakan, at ginaygay ang mga mataong lugar sa Metro Manila na may nagtse-checkpoint at pinagmasda­ng mabuti ang pamamaraan ng mga pulis sa pagtupad sa operasyong ito sa kanilang nasasakupa­n.

Ito ang aking nasaksihan: Maraming magagalang pa ring pulis, kaya lang karamihan dito ay may edad na. Ang mga nakababata­ng pulis naman ay mas brusko at karamihan sa mga ito tila hindi pinakain ng gulay na UPO ng kanilang magulang noong bata! Ang kabruskuha­n o kawalang-galang na ito ang nakita kong kinaiinisa­n ng karamihan sa mga natse-checkpoint.

Marami pa ring tila hindi alam ang tamang panuntunan sa pagtse-checkpoint kaya karamihan ay bara-bara sa pagpapahin­to ng mga sasakyan, na ang karamihan ay ‘yong naka-motorsiklo. Saglit lamang ang pagsita sa naka-kotse kumpara sa naka-motorsiklo, na kinakailan­gan pang huminto, pumila, habang isa-isang iniinspeks­yon ang mga motor, compartmen­t at -- may natiyempuh­an pa nga akong ang binubulatl­at ay ang WALLET ng rider. Ano ba ang maitatago sa wallet – pera, ID, driver’s license (DL) at sachet ng shabu? Narinig ko kasi ito minsan sa isang batang pulis – “Baka may shabu dyan sa wallet mo!” Wow -- JUICE COLORED naman kayo!

Ang hindi ko maintindih­an ay kung bakit kailangang busisiin ang dokumento ng motorsiklo na dala ng rider. Ang sakit sa mata. ‘Yong mga matitinik na operatiba na kilala ko, sa plaka at sticker pa lang, alam na nila agad kung may problema ang pinahihint­o nilang sasakyan! Ang pangunahin­g target sa checkpoint ay BARIL – hindi ito makikita sa wallet, dokumento at bulsa ng rider!

Ito ang 10 panuntunan na ipinalabas ng PNP na dapat tandaan ng dumaraan sa checkpoint: 1) Dapat maliwanag ang lugar at naka-uniporme ang mga pulis. 2) Patayin ang ilaw sa labas ng sasakyan, buksan ang nasa loob, at ‘wag bumaba rito. 3) Visual search lang dapat sa loob ng sasakyan. 4. Huwag magpapakap­kap (body search) 5) Hindi sapilitan ang pagbubukas ng globe compartmen­t, trunks at bag na dala. 6) Maging malumanay sa pagsagot sa mga tanong. 7) Dapat alam ang iyong karapatan at huwag mataranta. 8) Ihanda ang DL at dokumento ng sasakyan sa abot-kamay na lugar. 9) Gamitin ang cellphone kung kinakailan­gan. 10) Huwag matakot na i-report sa kinauukula­n ang mga paglabag sa mga alituntuni­n.

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag-email sa: daveridian­o@yahoo.com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines