Balita

Kaye Abad, nami-miss ang pag-arte

- Ni JIMI ESCALA

NAMI- MISS na nang husto ni Kaye Abad ang showbiz. Pansamanta­la kasing iniwan ng aktres ang pelikula at telebisyon mula nang ikasal sila ni Jake Paul Castillo noong December 2016.

Sa Cebu na sila naniniraha­n at nanganak si Kaye last December, pero ngayon ay hinahanap- hanap na niya ang pag-arte sa harap ng kamera.

Kuwento ni Kaye, hindi siya nahirapang iwanan ang pag-artista pero ngayon ay namimiss na niya ang acting.

“Sa totoo lang, everytime na nanonood ako ng mga teleserye, eh, talagang andu’n ‘yung nami-miss ko talaga ang showbiz. Iniisip ko, paano na kaya sila sa taping?” sabi ni Kaye.

Bagamat wala pa naman daw siyang balak na magbalik-showbiz, nami-miss daw talaga niya ang pagganap. Sa ngayon ay ibinuhos muna ni Kaye ang panahon niya sa pag-aalaga ng kanilang limang buwang anak na si Pio Joaquin.

Kumpara sa mga nagampanan niyang roles bilang ina, malayung- malayo raw ang totoong buhay na ginampanan niya ngayon bilang maybahay ni Jake at ina ni Pio Joaquin.

“Totoong-totoo na ito. Hindi na ito taping lang na kung saan may karga-karga kang isang bata na hindi mo kaanu-ano. Ito, eh, anak mo na at sobrang mami-miss mo kahit isang oras ka lang wala sa tabi niya,” sey ni Kaye.

Kung nami-miss niya ang pag- arte, mas nangunguli­la si Kaye sa pinanggali­ngang pamilya lalung- lalo na siyempre ang pinakamama­hal niyang ina.

“Lagi naman kaming nagkakausa­p ni Mommy sa telepono, sinasabi ko sa kanya na huwag siyang malungkot kasi malapit lang naman ang Cebu at anytime puwede silang pumunta dito and nakakauwi rin naman ako sa Manila.

“Huwag siyang mag- alalala sa akin, okey lang naman ako dito,” lahad pa rin ni Kaye Abad.

 ??  ?? Jake, Baby Pio at Kaye
Jake, Baby Pio at Kaye

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines