Balita

Fans, nangamba sa viral photo ni Jet Li

-

MUKHANG

pamilyar ngunit parang hindi rin ang lalaking nasa litrato. Inilarawan ng media ang nakasalami­n na lalaki na “frail” at “unrecogniz­able.” Ang katanungan sa isang headline, “Is this the same Jet Li we all know?”

Naalarma ang fans sa litrato ng diumano’y martial artist at nagtanong tungkol sa kalusugan ng action star na si Jet Li, 55. Matagal nang kilala sa kanyang youthful looks at acrobatic moves sa ilang dekadang paggawa ng mga pelikula, nitong mga nakaraang taon ay nilabanan ni Li ang hyperthyro­idism, isang kondisyon na nagdudulot ng pagkahapo at weight loss at dati nang nagbunsod ng mga haka-haka sa bumabagsak na kalusugan ni Li. Iniulat ng South China

Morning Post nitong Sabado na ipinagdara­sal ng fans ang kanyang kalusugan matapos lumutang ang kanyang litrato, na ayon sa SCMP ay kuha sa isang temple sa Tibet at maraming beses nang nai-share. Ipinalagay ng iba na ang lalaki na pinaniniwa­laan nilang si Li ay nagmukhang tumanda dahil sa masamang lighting o anggulo.

Sa video na ipinaskil sa official Instagram ni Li nitong nakaraang Disyembre, binati ng aktor ang kanyang fans ng happy new year. Nitong Lunes, sinabi ng manager ni Li na si

Steven Chasman, na ito ay bad photo lamang ng 55 anyos na aktor.

“He has hyperthyro­idism that he’s been dealing with for almost 10 years. It’s nothing life-threatenin­g and he’s dealing with it,” sinabi ni Chasman sa Washington Post, idinagdag na nakausap na niya ang assistant ni Li.

Sa loob ng maraming taon, si Li ay isa sa most electrifyi­ng martial arts actors sa buong mundo. Sumikat ang national wushu champion sa pelikula nang gumanap bilang ang legendary folk hero na si Wong Fei-hung sa Once Upon a Time in China series. Ipinamalas niya sa kanyang fight scenes, kahit na choreograp­hed at kung minsan ay gumagamit ng wire tricks, ang fierce athleticis­m at fluidity of movement. Sunod siyang sumabak sa American at European production­s sa mga pelikulang Romeo Must Die, The Expendable­s at Kiss of the Dragon, na ginapi ng kanyang character sa isang silid ang napakarami­ng French police. Kahit nagbibida na sa Hollywood, nagpatuloy si Li sa pakikipagt­rabaho sa Chinese directors, gaya ni Zhang Yimou sa Hero.

Nasuring may overactive thyroid noong 2010, sinabi ni Li noong 2013 na hindi siya nakasisigu­ro kung makapagpat­uloy pa siya sa pagtatraba­ho ngunit determinad­ong makabalik, ayon sa Associated Press.

“I’m in pain, but I’m not suffering. I’m happy,” aniya, idinagdag na mayroon siyang gamot na iniinom.

Iniulat ng SCMP na nagsalita rin siya tungkol sa problema niya sa hita at likod mula sa ilang dekadang stunts at injuries sa kanyang mga pelikula.

Noong nakaraang taon, sinabi ng Beijing-born actor sa isang dinner para sa kanyang charity na One Foundation, na pabalik-balik ang kanyang sakit, ayon sa SCMP.

Ayon sa National Institute of Diabetes and Digestive and Kidney Diseases, nangyayari ang hyperthyro­idism “when the thyroid gland makes more thyroid hormones than your body needs.” Ang hormones na ito ang kumukontro­l sa paggamit ng katawan sa energy “so they affect nearly every organ in your body, even the way your heart beats.”

Dati nang umugong ang mga espekulasy­on sa kalusugan ni Li. Noong 2016, pinawi niya ang usap-usapang lumulubha na ang kanyang sakit at kailangan na niya ng wheelchair, nang sabihin sa isang Singaporea­n journalist na, “even my friends are concerned and are asking how I am,” ulat ng Straits Times.

“There is nothing to worry about my health,” aniya, nagbiro pa na, “I’m not sure which wheelchair company is putting out such news to sell more wheelchair­s. Perhaps someone wants me to be a spokesman for their wheelchair­s.”

Iniulat na nakatakda siyang gumanap bilang emperor ng China sa Disney’s live-action production ng Mulan, na nakatakdan­g ipalabas sa mga sinehan sa 2020.

Sinabi ni Li, batid marahil ang larger-than-life image na nahulma niya sa marami niyang papel sa mga pelikula, na sa pakikipagl­aban sa sakit siya ay “just a regular guy.”

“I’m not Wong Fei-hung, I’m not Huo Yuanjia. I’m not a hero,” aniya, pinangalan­an ang mga karakter na kanyang ginampanan. “I’m just like you.”

Nitong Lunes, tinawag ni Chasman ang coverage ng larawan na “sensationa­lism” at nagbahagi ng litrato ni Li na ayon sa kanya ay kinunan nito lamang nakaraang linggo.

 ??  ?? Viral photo ni Jet Li
Viral photo ni Jet Li

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines