Balita

All-Star Weekend sa Davao del Sur

- Marivic Awitan

MULING papagitna sa limelight ang PBA All-Star Week na magsisimul­a ngayon sa Digos Davao del Sur.

Sa pangunguna ni PBA commission­er Willie Marcial, tumulak patungong Davao kahapon ang lahat ng mga opisyales at players na kabilang sa Mindanao All-Star at Smart All Star Philippine team para sa kickoff leg ng midseason spectacle.

Ganap na 7: 00 ngayong gabi magtatapat ang Mindanao All Star selection na gagabayan ni Ginebra coach Tim Cone at ang Nationals na gagabayan naman ni Meralco coach Norman Black sa Davao del Sur Coliseum.

Dagdag na atraksiyon sa unang araw ng mid season classic ang isasagawan­g shootout sa pagitan ng mga legends bago ang laban ng Mindanao selection at Nationals.

May apat na shooting pairs na kinabibila­ngan nina Allan Caidic at Secretary Bong Go, Kenneth Duremdes at Senator Manny Pacquiao, Peter June Simon at Presidenti­al son- in- law Mans Carpio, at Scottie Thompson at Major Michael Sabsal.

Magiging tampok na panauhin naman si Governor Mark Cagas ng Davao del Sur.

“It’s an honor and privilege to be the host of the 2018 All-Star game opener. We hope to give PBA fans a treat and set the perfect stage for another exciting week of basketball ahead,” pahayag ni Cagas.

Mula sa Davao, magtutungo ang kabuuan ng PBA contingent sa Batangas City para sa second leg ng All Star sa Mayo 25.

Magtatapos ang All-Star week sa Iloilo City sa Mayo 28.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines