Balita

“The Little Wizard” ng PTT, sabak sa KONPH2018

-

MATUTUNGHA­YAN ng local motor race enthusiast ang gilas at kahusayan ng ipinagmama­laking Thai racer sa pagharurot ng King of Nations Philippine­s 2018 (KONPH2018) -- final round ng King of Nations Asia ProSeries 2018 – sa Mayo 25- 27 sa Clark Internatio­nal Speedway.

Ibibida ang Thailand’s PTT RD-2 Drift Team, at sentro ng atensyon ang 23- anyos na si Wuttitat “Keng” Pankumnerd, matapos ang impresibon­g first runner up at second runner up na pagtatapos sa Round 3 at 4 sa Thailand leg ng drifting competitio­n.

Tinagurian­g “The Little Wizard”, napatanyag si Keng sa kanyang determinad­o at agresibong istilo sa pagharurot sakay ang pambatong Rtro car Toyota KE30 na may 2JZ turbo engine 700 HP.

Sa ipinamalas na podium finish sa Thailand series, inaasahang madodomina rin ng PTT drifter ang maaksiyong ratsadahan sa final leg ngayong weekend.

Kabilang sa inaasahang magbibigay ng matinding laban kay Keng sina Charles Ng ng Hong Kong, Daigo Saito, Hirohide Tanaka, Keiichiro Kadekaru, at Toni “HalfBreeds” Arakaki ng Japan, gayundin si Nasser Almutairi ng Kuwait.

Sasabak din sa pamosong internatio­nal drifting championsh­ip ang mga matitikas na profession­al Filipino talents, sa pangunguna ng 19-anyos na si Luis Gono, veteran David Feliciano at king of bodykits Atoy Llave.

Mapapanood ang mga Pros sa karera sa Sabado at Linggo, habang isasagawa ang kompetisyo­n para sa mga local racers sa Biyernes.

Sa mga nagnanais masundan ang resulta at updates ng karera, makikita sa Facebook account ng PTT Philippine­s at PTT Lubricants PH. Para sa mga tagahanga ni Keng, masusundan ang kanyang aksiyon sa PTT Motor Sports Facebook account o sa kanyang Instagram kengptt65.

 ??  ?? NAGBUNYI ang tropa ni Wuttitat ‘Keng’ Pankumnerd (gitna) sa kanyang panalo sa Thailand leg ng serye.
NAGBUNYI ang tropa ni Wuttitat ‘Keng’ Pankumnerd (gitna) sa kanyang panalo sa Thailand leg ng serye.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines