Balita

Williams, walang seeding sa French Open

-

PARIS (AP) — Matindi ang pinagdadaa­nan ni Serena Williams sa kanyang pagbabalik sa Grand Slam tennis mula sa maternity leave.

Ipinahayag ng French Open organizers nitong Lunes (Martes sa Manila) na hindi nila bibigyan ng seeding si Williams.

“This year again, tournament officials will establish the list and ranking of the women’s seeds based on the WTA ranking,” pahayag ng French Tennis Federation sa opisyal na mensahe na ipinadala sa The Associated Press. “Consequent­ly, (the seeds) will reflect this week’s world ranking.”

Inaasahang lalaro si Williams, three-time French Open champion, sa kanyang unang major tournament ngayong taon mula nang magsilang sa unang anak na babae noong Setyembre.

Batay sa Womens Tennis Associatio­n rule, pinapayaga­n si Williams na makalaro sa Roland Garros sa ilalim ng “special” ranking rule, ngunit nasa desisyon ng Grand Slam organizers ang pagbibigay ng seeding sa player.

Tangan ni Williams ang No. 1 sa world ranking bago pansamanta­lang nagpahinga sa Tour para makapangan­ak. Sa kanyang pagbabalik- aksiyon, tangan niya ang ranked No. 453.

Sa paglalaro na walang seeding, malaki ang posibilida­d na maagang makakahara­p ng 23-time Grand Slam champion ang mabibigat at highly ranked players sa unang round.

May plano ang WTA na susugan ang naturang ‘rule’ para mas mabigyan ng proteksyon ang mga ranked players na pansamanta­lang nawala sa Tour dahil sa maternity leave, ngunit magkakabis­a pa ito sa susunod na taon.

Ngunit, para sa matitikas na karibal sa Tour, karapat-dapat na maglaro si Williams bilang seeded player.

“I would like to see that (rule) change,” pahayag ni Maria Sharapova na kumakampan­ya sa Italian Open.

“It’s such an incredible effort for a woman to come back from physically, emotionall­y. ... There’s just another whole dimension to the travel, to the experience­s, to the emotions to the physicalit­y of every single day.

“Tennis is such a selfish sport but I think when there’s a child in your life you lose a little bit of that, because there’s something that’s so much more important,” sambit ni Sharapova, natalo ni Williams sa tatlong Grand Slam finals.

Gaganapin ang French Open draw sa Huwebes (Biyernes sa Manila) at magsisimul­a ang torneo sa Linggo (Lunes sa Manila).

“It’s normal to give birth. It’s normal to have protected ranking. ... It’s more than tennis,” sambit ni top-ranked Simona Halep. “So the people will decide what seed she will get. But in my opinion it’s good to protect the ranking when someone is giving birth.”

 ?? AP ?? WILLIAMS: Inalisan sa seeding sa French Open.
AP WILLIAMS: Inalisan sa seeding sa French Open.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines