Balita

‘Bronze statue’ ni James, ititirik sa Akron

-

INDEPENDEN­CE, Ohio (AP) — Minsan mang nilayasan ni LeBron James ang bayang sinilangan, nananatili siyang sports icon para sa kanyang kababayan.

Isinususul­ong ng ‘A GoFundMe’ – isang account na binuo sa layuning makalikom ng US$ 1 milyon -- upang tustusan ang planong pagtatayo ng monumento na gawa sa bronze para sa fourtime MVP sa Akron.

Pinangunah­an ni Aaron Carey, nakasama ni James sa Akron St. Vincent- St. Mary High School, ang naturang account bilang pagbibigay- pugay sa three- time NBA champion.

“We want to do this with the fans,” pahayag ni Carey sa panayam ng Akron Beacon-Journal . “We want fans to be able to thank LeBron for what he has done for Akron and the Cavs.”

Ayon kay Carey, nakausap na ng kanyang grupo ang artist na si Omri Amrany, ang sculpture na gumawa rin ng estatwa nina basketball greats Michael Jordan, Shaquille O’Neal, Magic Johnson at Kareem Abdul-Jabbar.

Kinalugdan naman ni James ang naturang pagkilala.

“First of all, thank you,” pahayag ni James nitong Lunes (Martes) sa Manila matapos ang Game 4 ng Western Conference Finals kung saan naitabla ng Cavaliers ang serye sa Boston, 2-2.

“It would be cool, not only for myself, but for my family and all the people that had anything to do with this journey thus far. I’m appreciati­ve even of the thought.”

Target ng 33- anyos na si James na makausad sa NBA Finals sa ikawalong sunod na pagkakatao­n. Para sa katuparan ng hangarin, kailangan nilang lupigin ang Boston Celtics.

“We really want this to be in Akron,” ayon kay Carey. “We talked to ( Cavs owner) Dan Gilbert and he wants to put one up in Akron after LeBron retires.”

 ?? AP ?? JAMES: Pararangal­an ng mga kababayan sa Akron.
AP JAMES: Pararangal­an ng mga kababayan sa Akron.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines