Balita

Fil-Am pambato ng Democrat bilang Texas representa­tive

- Roy C. Mabasa

Nakatakdan­g gumawa ng kasaysayan si Gina Ortiz Jones bilang unang Filipino-American, unang lesbian at unang Iraq war veteran na iluluklok sa United States Congress matapos manalo sa Democratic nomination para sa 23rd Congressio­nal District ng Texas, nitong Martes.

Tinalo ni Jones, dating U.S. Air Force intelligen­ce officer, ang kapwa Democrat na si Rick Trevino sa runoff contest at awtomatiko­ng umabante sa eleksiyon sa Nobyembre kung saan makakahara­p niya ang two-termer incumbent Republican na si Will Hurd.

Noong 2017, nagbitiw sa trabaho si Jones sa Office of United States Trade Representa­tive matapos madismaya sa mga polisiya ni President Donald J. Trump.

Makaraang maggtapos sa Boston University ng BA at MA in Economics, at BA in East Asian Studies, pumasok si Gina sa U.S. Air Force at naging intelligen­ce officer. Ipinadala siya sa Iraq at nagsilbi sa ilalim ng U.S. military’s “Don’t Ask, Don’t Tell” policy.

Sa loob ng 12-taon niya sa military service, umikot ang karera ni Gina sa national security, intelligen­ce, at defense. Nagsilbi siyang adviser sa mga operasyon sa Latin America at Africa.

Bilang sibilyan, nagsilbi siyang Senior Advisor for Trade Enforcemen­t, isang posisyon na nilikha ni President Barrack Obama noong 2012.

Kinilala si Gina bilang 2016 American Council on Germany Young Leader at Council on Foreign Relations Term Member. Miyembro din siya ng Truman National Security Project Defense Council at natamo ang graduate degree sa U.S. Army School of Advanced Military Studies.

Umalis ang ina ni Gina sa Pilipinas para magtrabaho bilang household helper sa United States, para magkaroon ng magandang buhay ang kanilang pamilya at masungkit ang “American dream.”

Sa kanyang personal biography na nakapaskil sa kanyang website, sinabi ni Gina na ang ehemplo ng kanyang ina at mga sakripisyo nito ang nagkintal sa kanyang isipan ng kahalagaha­n ng humility, hard work, at kahandaaan­g sumugal para makalikha ng mga oportunida­d para sa sarili at sa ibang tao.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines