Balita

9 Vietnamese arestado sa 'illegal fishing'

- Jerry J. Alcayde

CALAPAN CITY, Oriental Mindoro – Inaresto ang siyam na Vietnamese dahil sa umano’y pangingisd­a sa Mangese Islands, Balabac, Palawan, iniulat kahapon ng Police Regional Office Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan (MIMAROPA).

Ayon kay Chief Supt. Emmanuel Luis D. Licup, regional director of PROMIMAROP­A, ang Philippine Navy personnel, na kabilang sa BRP Carlos Lambert (PG375) na pinamumunu­an ni Lieutenant Junior Grade Art M. Francisco, ang umaresto sa mga suspek dahil sa umano’y ilegal na pagpasok at pangingisd­a nitong Sabado.

Kinilala ang mga inaresto na sina Tran Hong Vu, 42, nagmamaneh­o ng bangka; Nguyen Van Hoang, 36, mekaniko; Vo Minh Hieu, 21, crew; Vo Thanh Dam, 25, crew; Nguyen Thanh Xuan, 28, crew; Vo Minh Thong, 21, crew; Chau Nhat Hao, 20, crew; Nguyen Tan Khai, 32, crew; at Nguyen Minh Hhy, 22, crew.

Sinabi ni Chief Supt. Licup na sa ganap na 2:30 ng hapon nitong Mayo 22, natanggap ng Balabac Municipal Police Station (MPS) ang impormasyo­n hinggil sa pagkakahul­i ng Philippine Navy sa Vietnamese vessel (SBF18).

Narekober sa mga suspek ang isang unit ng ice machine, isang HF VX-1700 radio, isang battery charger, isang generator set at lambat.

Nasa kustodiya na ng Philippine Coast Guard sa Puerto Princesa City ang mga suspek para sa dokumentas­yon at pagsasampa ng kaukulang kaso, habang ang bangka ay hawak na ng Philippine Navy sa Balabac, Palawan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines