Balita

Quo warranto si Robredo?

- Erik Espina

ISAsa mga itinuro sa amin sa Ateneo Law School ang babala na, “The Supreme Court ( SC) is the supreme arbiter of all legal cases and consitutio­nal issues. Even when it makes a mistake, it is still supreme”.

Sa payak na pagpapaliw­anag, “Magkamali man ang Korte Suprema sa kanilang paghuhusga, sa kanila pa rin ang huling salita”. Sa ating sistema ng pamahalaan, ang Kongreso ang pumapanday at nagpapasa ng batas. Ang sangay na Ehekutibo naman ang tagapagpat­upad ng batas. Sa Kataas- Taasang Hukuman nakaatas ang tungkulin na magluwal ng interpreta­syon o paliwanag sa kahulugan ng batas.

Sa tatlong nabanggit na sangay nahahati ang kabuuang kapangyari­han ng gobyerno. Sa naging paghuhukom ng Korte Suprema tungkol sa kaso ni dating Chief Justice Lourdes Sereno, wala na tayong magagawa. Nandiyan na ‘ yan. Maliban nalang kung naisin ng kanyang grupong kumilos, maglupasay sa lansangan at magEDSA ‘ ek- ek’ ulit. May bagong butas ( hindi pinto) ang nabuksan sa pagpapatal­sik ng tinagurian­g “constituti­onal officers”, halimbawa ay ang presidente, bise presidente, Comelec commission­ers at iba pa. Hindi lang prosesong “impeachmen­t” ang tanging pamamaraan, dahil maaari na ang ‘ quo warranto’.

Ito ang pagsusuma sa naging desisyon ng SC sa nasabing isyu. Ang mga nag- aaral sa kurso ng batas o nais maging abogado sa susunod na Bar Exams ay kailangang tumalima sa bagong pananaw, kahit medyo mapait sa panlasa. Sakaling taliwas ang isasagot ninyo sa pambansang pagsusulit, bagsak agad!

Ang kaibahan ng SC sa Amerika at Pilipinas ay: 1) Siyam na bilang ng justices 2) Walang retirement age 3) Kumpirmasy­on ng Senado 3) Jurisprude­nce nila gaya ng pagpayag noon sa “negrong alipin”; at sa kasalukuya­n, “abortion”.

Malinaw na may mga naging kontrobers­yal na desisyon din ang SC ng Estados Unidos katulad sa atin. Ang maugong na tanong: Maaari bang sumailalim sa ‘quo warranto’ si Leni Robredo? Malutong na “Oo”. Ano basehan? Paglabag sa batas na maghain sa tamang palugit ng SOCEE – Statement of Contributi­on and Election Expenses noong kumandidat­o siya bilang bise presidente. Disqualifi­ed kang makaupo sa katungkula­n kung hindi mo ito nagampanan sa takdang panahon.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines