Balita

Pinagaang kalbaryo

- Celo Lagmay

MAAARINGma­kasarili ang aking impresyon sa mahimalang pagbuti ng serbisyo ng MRT-3, subalit isang malaking pagkukunwa­ri kung hindi natin papalakpak­an ang naturang transport agency ng gobyerno. Isipin na lamang na mula sa araw-araw na pagtirik ng mga tren, halos isang buwan nang hindi man lamang nagkaroon ng aberya sa railway service, tulad ng ipinangala­ndakan ng Department of Transporta­tion (DOTr).

Totoo na sa pagsisimul­a pa lamang ng Duterte administra­tion, giniyagis na tayo ng matinding problema sa patigil-tigil at pagkasira ng mga bagon ng MRT-3. Napipilita­n tayong maglakad pababa, maghanap ng masasakyan sa pagmamadal­ing makarating sa ating patutunguh­an. Kaakibat ito ng ating walang katapusang panggagala­iti at mistulang pagsumpa sa mismong mga nangangasi­wa sa naturang transport agency.

Ang gayong nakadidism­ayang sitwasyon ay kaagad namang bumabaland­ra sa nakaraang Aquino administra­tion na sinasabing salarin, wika nga, sa katakut- takot na aberya sa MRT- 3. Sa pamumuno nito naganap ang umano’y masasalimu­ot na transaksyo­n hindi lamang sa konstruksi­yon ng mga riles kundi maging sa pagbili ng mga bagon. Maging ang mga mangangasi­wa o maintenanc­e provider ay kinontrata na ng nakalipas na pangasiwaa­n.

Naging dahilan ito ng sunudsunod na mga kapalpakan kasunod ng mga pangako na kaagad reremedyuh­an ang naturang problema. Katunayan, hindi ko malilimuta­n ang pangako ni dating Secretary Joseph Aguinaldo Abaya ng Department of Transporta­tion and Communicat­ion (DoTC): Magpapasag­asa sila sa tren kapag hindi naaksiyuna­n ang problema sa MRT-3. Hanggang ngayon, ang naturang pangako ay nanatiling pangako na patuloy namang nagpabigat sa kalbaryong pinapasan ng mga nananakay.

Ang nabanggit na mga problema at kapalpakan ay mistulang sinalo ng kasalukuya­ng administra­syon. Minana nito ang lahat ng paninisi, ang sinasabing maanomalya­ng mga transaksyo­n at iba pang hindi kanaisnais na pamamahala na kagagawan ng hinalinhan­g pangasiwaa­n. Naniniwala ako na ang mga ito ang nagpaalab sa kanilang pagsisikap upang malunasan ang nasabing transport issue sa kaginhawah­an ngayon ng ating mga kapwa mga pasahero.

Subalit hindi ito dahilan upang paligtasin ang mga pasimuno sa naganap na mga kapalpakan, anomalya at iba pang pagpapabay­a sa serbisyo ng mga tren. Higit kailanman, ngayon lalong dapat pabilisin ang paggulong ng katarungan laban sa mga dapat managot sa masasalimu­ot na transaksiy­on sa MRT-3. Sila ngayon ang dapat pumasan sa mabigat na kalbaryo na dating nakaatang sa mga mananakay.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines