Balita

Bagong pangulo ng Senado

- Bert de Guzman

MAYbagong pangulo ang Senado. Siya ay si Sen. Vicente “Tito” Sotto III. Pinalitan niya si Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III. Ang dalawang senador ay parehong “The Third” ( III). Mananatili kaya ang ugnayan ng Sangay ng Ehekutibo at ng Senado ngayong si Sotto ang presidente?

May mga nagtatanon­g kung sa pagpapalit ng liderato sa Senado, magiging mas “matigas” na ito at hindi basta-basta paiinsulto kay House Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez, na minsan ay binira ang Senado dahil umano sa kabagalan at ‘ di pag- aksiyon sa mga panukala ( House Bills) na ipinasa ng Kamara.

Hindi man lang daw umalma si Sen. Kiko sa parunggit na ito ni Speaker Bebot. Bukod dito, bilang pangulo ng PDP-Laban, para raw hinahayaan ni Koko na si Alvarez ang mag-announce o mamili ng posibleng mga kandidato sa 2019 senatorial elections, tulad nina Mocha Uson, Harry Roque, Bong Go, Rep. Rey Umali at iba pa.

Umalma ang mga tatakbo ulit na mga senador na kabilang sa Super Majority sa Senado dahil sa listahan ni Pimentel bilang PDP-Laban president, hindi sila isinama. Napilitan lang daw si Sen. Koko na isama sila sa PDPLaban senatorial ticket nang magalit sina Sen. Cynthia Villar, Grace Poe at iba pa.

Patuloy sa pagsibak si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng mga miyembro ng kanyang cabinet na sa palagay niya ay sangkot sa kurapsiyon. Ang huling sinibak ay si Assistant Sec. Mark Tolentino ng Department of Transporta­tion (DoTr).

Ayon kay presidenti­al spokesman Harry Roque, nilabag ni Tolentino ang polisiya ni Mano Digong na huwag makipag-deal o kumusap sa sino mang miyembro ng pamilya ng Pangulo tungkol sa anumang proyekto o programa. Kinausap daw ni Transporta­tion Asst. Sec. for railways Tolentino ang kapatid na babae ni PRRD hinggil sa proyekto na isinusulon­g nito. Ito umano ay may kinalaman sa Mindanao Rail Project.

Kung ayaw ng sinumang miyembro ng gabinete o sinumang pinuno ng gobyerno na magalit at magmura ang ating Pangulo, huwag makisangko­t sa illegal drugs at corruption. Garantisad­ong bukod sa mura, papalakuli­n pa kayo at ihahayag ang pangalan sa publiko upang hindi pamarisan.

Malayo pa ang 2019 senatorial elections subalit inihayag ng oposisyon sa pamumuno ni Liberal Party president Francis Pangilinan ang ilang personalid­ad na isasama sa listahan ng mga kandidato. Tinawag ni Sen. Pangilinan ang political opposition bilang “Resistance Opposition”. Kabilang sa posibleng mga kandidato ay sina Sen. Paolo “Bam” Benigno Aquino IV, ex- Quezon Rep. Erin Tanada, human rights lawyer Jose Manuel Diokno, Magdalo Partylist Gary Alejano, at ex- Akbayan Rep. Barry Guiterrez. Mukhang ayaw na ni ex- DILG Sec. Mar Roxas na tumakbo.

Sa pagreretir­o ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa Hulyo, siya ay magiging “P18 million richer when she assumed office in 2011.” Good luck Ms. Carpio-Morales. At least, magreretir­o ka na, hindi ka naimpeach.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines