Balita

Pagsasabat­as sa BBL, next week na?

- Nina ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS at FER TABOY

Sinabi ng Malacañang na hinihintay na lamang ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na makabuo ang dalawang kapulungan ng Kongreso ang iisang bersiyon ng Bangsamoro Basic Law (BBL) para malagdaan ito bilang batas sa susunod na linggo.

Ito ang ipinahayag ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque sa press briefing sa Marawi City kahapon ng umaga.

Idinagdag ng opisyal ng Palasyo na magkapareh­o na ang bersiyon ng BBL ng Senate at ng House of Representa­tives at inaasahang maipasa na ito sa susunod na linggo nang hindi na dumaan sa bicameral conference committee, o bicam.

“Pareho na silang version. Ang sabi ko lang is ‘pag na-certify kasi, ang inaasahan ng Malacañang, pareho na ‘yung version para both chambers can approve the bill in the same day on the second and third reading, and para wala ng bicam, pareho naman sila. Para mabilis,” ani Roque.

Sinabi niya na handa na ang Pangulo na pirmahan ang BBL sa petsang ipinangako ng Kongreso, bago matapos ang buwan.

“Certainly po. Hindi po sila magrireces­s hangga’t hindi maaprubaha­n ang BBL, ‘yan po ang pangako,” ani Roque.

Naniniwala si Roque na katanggapt­anggap sa lahat ng stakeholde­rs ang bagong bersiyon ng BBL.

Sinabi niya na kinonsulta ang Moro Islamic Liberation Front (MILF), Moro National Liberation Front (MNLF), at mga Lumad.

“Ang alam ko po buong-buo naman ang suporta ng MILF. At sa unang pagkakatao­n, ito po ay BBL na all-inclusive, pati po mga Lumad ay kinonsulta. Member din po sila ng BTC (Bangsamoro Transition Commission) unlike ‘yung ibang bersiyon ng BBL na parang nakalimuta­n ang mga lumad,” aniya.

“Acceptable po ang bersiyon ng BBL na ito sa kaparehong MILF at MNLF,” dagdag niya.

PRIVATE ARMY

Samantala, sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde na lilikha ng mga private army ang BBL kung hindi aalisin ng Kongresso ang probisyon na naglalagay sa lokal na pulis at militar sa kontrol ng Chief Minister.

Ito ang katwiran ni Albayalde sa pagtutol sa naturang probisyon ng BBL.

Idiniin niya na kung isasailali­m ang PNP at AFP sa Bangsamoro leaders, nangangani­b na mapopoliti­ka ang mga ito at magiging parang isang malaking private armed group ang pulis at militar sa lugar na hindi kontrolado ng Commander-in-Chief.

Mungkahi ni Albayalde, panatilihi­n ang sistema ng PNP at AFP at magtatayo ng regional office sa Bangsamoro region na hindi kontrolado ng mga pulitiko.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines