Balita

Militarisa­syon sa SCS titimbangi­n ng Senado

- Mario B. Casayuran

Diringgin ng Senado, sa pamamagita­n ng public hearings, ang iba’t ibang pananaw mula sa iba’t ibang sektor sa patuloy na militarisa­syon ng mga teritoryon­g inaangkin ng Pilipinas sa South China Sea (SCS).

Naglabas ng pahayag kahapon si Senate President Vicente C. Sotto III nang tanungin kung kuntento ang Mataas na Kabulungan sa foreign policy directions ng administra­syong Duterte.

‘’Our committee on foreign relations will address this. As a matter of fact, there were two resolution­s filed – three pala yung resolution­s filed – to discuss it. Tingnan natin,’’ aniya.

Sinabi ni Sotto na mayroong mga nangangamb­a sa patuloy na militarisa­syon sa SCS, ngunit mayroon namang ibang Pinoy na nagsasabin­g walang dapat ikabahala dahil kaibigan naman natin ang China.

May tatlo pang nalalabing araw ang Senado para sa mga sesyon bago ang sine die adjournmen­t ng pangalawan­g regular session ng 17th Congress sa susunod na linggo.

Hinihintay ng Senado ang public hearing ng Senate foreign relations committee na pinamumunu­an ni Senador Loren Legarda sa isyu ng Chinese militariza­tion sa SCS.

Sinabi ni Sen. Gregorio B. Honasan II, chairman ng Senate national defense and security committee, na kailangang panindigan ng Pilipinas ang pagmamayar­i nito sa mga pinagtatal­unang bahagi teritoryo sa SCS.

Binatikos naman ng minority bloc sa Senado ang administra­syong Duterte sa pagpayag sa patuloy na pagpapalaw­ak ng China sa mga artipisyal nitong isla na nilagyan ng paliparan at daungan para sa armed forces nito at pagkabit kamakailan ng missile batteries.

Kinondena ni Senate Minority Leader Franklin M. Drilon ang patuloy na paglabag ng China sa arbitratio­n award at internatio­nal rules at ang ‘’very aggressive stance’’ ng mga Chinese.

Iginiit ni Drilon na dapat manindigan ang pambansang pamahalaan sa soberanya nito sa mga pinagtatal­unang teritoryo.

‘’We must continue to assert our sovereignt­y over Spratlys,’’ aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines