Balita

China ‘di imbitado sa US military exercise

-

WASHINGTON (Reuters) – Hindi inimbitaha­n ng Pentagon ang China sa malaking naval drill na hosted ng United States bilang tugon sa militarisa­syon ng Beijing sa mga kapuluan sa South China Sea, isang desisyon na tinawag ng China na unconstruc­tive.

“As an initial response to China’s continued militariza­tion of the South China Sea we have disinvited the PLA Navy from the 2018 Rim of the Pacific (RIMPAC) Exercise,” sinabi ni Lieutenant Colonel Christophe­r Logan, a Pentagon spokesman.

Ang PLA ay English-language acronym ng militar ng China, ang People’s Liberation Army.

Hindi binanggit ni Logan ang iba pang maaaring gawing hakbang ng US government para idiin na mayroong “strong evidence” na nagpadala ang China ng anti-ship missiles, surface-toair missile systems at electronic jammers sa mga pinagtatal­unang bahagi ng Spratly Islands.

“We find that a very unconstruc­tive move,” sinabi ng top diplomat ng China na si State Councilor Wang Yi, sa mga mamamahaya­g sa Washington matapos makipagpul­ong kay US Secretary of State Mike Pompeo.

Inilarawan ni Wang ang aktibidad ng China sa South China Sea na selfdefens­e, at iginiit na ito ay “much smaller scale” kaysa ginawa ng United States sa Hawaii at Guam. “We hope that the US will change such a negative mindset,” aniya.

Nitong weekend, lumapag ang bombers ng Chinese air force sa mga pinagtatal­unang isla at bahura sa South China Sea bilang bahagi ng training exercise nito sa rehiyon, na labis na ikinabahal­a ng Vietnam at Pilipinas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines