Balita

Jennylyn, masaya sa lovelife at career

- Ni NORA CALDERON

MARAMI ang kinilig, lalo na ang JenDen fans sa sunud- sunod na posts nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa sabay nilang pagsi-celebrate ng birthday sa Balesin Island, Quezon province. Jen turned 31 last May 15 at si Dennis naman 37 na last May 12.

Sa isang Instagram (IG) post ni Dennis, pasan niya sa likod si Jen at ang caption niya: “Papasanin ko kahit ang buong mundo para lang sa ‘yo, makita ko lang na lumigaya ka ng ganito.” At tinawag naman ni Jen ng ‘mahal’ si Dennis.

Pero hindi lang sa kanyang lovelife masaya si Jen, successful din kasi ang kanyang epidemic serye sa GMA-7 na The Cure. May mga naninira na six weeks lang daw ang itatagal ng kanilang serye, na ngayon ay pumapalo sa rating games at magaganda ang feedback at nagiging trending topic sa social media.

Kamakailan ay napili sila bilang isa sa Top 10 sa Social With List for April kasama ng ibang internatio­nal shows, at number 4 sila sa list of “most talked about shows in social media” sa nakuhang 46,000 tweets noong pilot episode nila last April 30. Naging obvious tuloy na pilit lang sinisiraan ang show na sinubaybay­an pala ng netizens.

“Thankful po kami dahil sa mga natatangga­p naming feedback kung ano ang mga susunod n a mangyayari­yari dahil excitedcit­ed na sila na gabi- gabii may mga lumalabasm­alabas na infectedct­ed at naghahasik na ng takot sa ibang tao,” sabi ni Jen. “Then pumapasok pa rin ang pagmamahal bilang isang pamilya nina Greg ( Tom Rodriguez), ako as Charity at ang daughter naming si Hope na ang husayhusay umarte ng bagets. At siyempre, si Ms.

Jaclyn Jose, na napakabait at understand­ing na si Dr. Evangeline Lazaro. Maraming salamat din sa comment nila sa social media na The Cure is #WalkingDea­dFeelings ang #NotYourAve­rageLoveSt­ory.” Kinaiinisa­n ang characters nina Ronnie

Henares, Jay Manalo at Mark Herras, at kagigiliwa­n naman ang mahinahon na characters nina Ken Chan at Arra San Agustin at ang pagiging kontrabida ni LJ Reyes na hindi maitago ang pagmamahal niya kay Greg.

Napapanood gabi-gabi ang The Cure after ng 24 Oras.

 ?? Jennylyn ??
Jennylyn

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines