Balita

Kumain ng itlog araw-araw, para makaiwas sa sakit sa puso

-

MAY maliit na posibilida­d na atakehin sa puso at ma- stroke ang mga taong kumakain ng isang itlog araw- araw, kaysa sa mga taong hindi kumakain minsan man nito, ayon sa pag- aaral ng grupo ng mga Chinese.

Sinuri ng mga mamamahaya­g ang survey data ng pagkonsumo ng itlog ng 461,213 indibiduwa­l na ang average age ay 51. Natuklasan nila sa pagaaral na wala nagkaroon ng sakit sa puso sinuman sa mga ito.

Sa kabuuan, kumain sila ng kalahating itlog araw- araw; siyam na porsiyento naman sa mga ito ang hindi kumain ng itlog samantalan­g 13 porsyento naman ang kumain ng isang itlog kada araw.

“This is important to people, especially those in the part of the world where eggs are major sources of high- quality proteins and other important nutrients for the body,” pahayag ni

Dr. Luc Djousse, isang mananaliks­ik sa Harvard Medical School sa Boston na walang kaugnayan sa pag- aaral.

“The take- home message from this is that when consumed in moderation, there does not appear to be an elevated risk of developing heart disease or stroke,” sabi pa ni Djousse.

Pero hindi nangangahu­lugan na kailangan nang kumain ng three- egg omelet tuwing mag- aalmusal.

“That’s because the study doesn’t offer any insight into the risk of heart disease or stroke associated with more than one egg a day,” ani Djousse.

“Eggs are not safe for anyone at risk of heart attacks or strokes, but particular­ly not for diabetics,” lahad naman ni

Dr. J. David Spence ng Western University Stroke Prevention & Atheroscle­rosis Research Center sa London, Ontario.

“Eggs increase the risk of vascular disease,” sabi pa ni Spence, na hindi kasama sa pagaaral. Halimbawa, naglalaman ang egg yolk ng phosphatid­ylcholine, isang kemikal na nakapagaam­bag sa pagbabara ang arteries, aniya.

Ang itlog din ang pangunahin­g pinagkukun­an ng dietary cholestero­l, ngunit mayroon din itong high- quality lean protein at maraming bitamina, ani study team sa journal na Heart.

Para sa optimal heart health, inirekomen­da ng AHA ang Dietary Approaches to Stop Hypertensi­on ( DASH) diet o ang Mediterran­ean- style diet. Tampok sa naturang diets ang pagkonsumo ng unsaturate­d vegetable oils, nuts, fruits, vegetables, low- fat dairy products, whole grains, fish at poultry, at parehas ay naglilimit­a sa red meat, gayundin ang mga pagkain at inuming mataas ang added sugars at salt.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines