Balita

Sinasamsam na isda, ‘toll fee’ sa China

- Genalyn D. Kabiling at Leonel M. Abasola

Pinipilit ng mga tauhan ng Chinese Coast Guard ang mga Pinoy na mangingisd­a na magbigay ng pinakamaga­ganda nilang huli bilang “toll fee” umano sa paglalayag sa Panatag Shoal.

Ito ang sinabi kahapon ni Masinloc, Zambales Mayor Arsenia Lim matapos matanggap ang ulat ng puwersahan­g pagkumpisk­a sa malalaking isdang nahuhuli ng mga Pinoy sa Panatag Shoal o Bajo de Masinloc.

Ayon sa alkalde, ang nangyari ay maihahalin­tulad sa toll system at hindi sa barter trade, sa laot.

“Parang may passway, may toll sa gitna ng karagatan. ‘Yung hinihingia­n sila ng isda,” pahayag ng alkalde nang magtungo sa Malacañang kahapon.

Sinabi rin ng alkalde na minabuti na lamang ng mga mangingisd­a na ipaubaya sa Chinese Coast Guard ang mga nahuli nilang isda upang wala nang away.

Aniya, ayaw din ng mga mangingisd­a na mawalan sila ng karapatang makapagaho­n sa nabanggit na fishing ground. Nanawagan si Lim kay Pangulong Duterte na bigyang proteksiyo­n ang kapakanan ng mga mangingisd­ang Pinoy.

“Hinihiling namin kay Presidente na mapangisda sila na hindi nabu-bully, at sa oras ng malakas ang hangin ay makasilong sila sa lagoon. Sana, makapangis­da nang maayos ang aking mga kababayan at nang hindi sila nasasaktan,” apela ng alkalde.

Pinagso-sorry naman ni Senator Bam Aquino ang China kaugnay ng insidente kung wala naman palang plano ang ating gobyerno na maghain ng diplomatic protest laban sa China.

Sa halip, ayon sa senador, maaari naman sigurong payuhan ang China na humingi ng tawad sa sinasabi nitong kaalyadong bansa—ang Pilipinas.

“Dapat maghain ng pormal na protesta ang pamahalaan laban sa ginawa ng Chinese Coast Guard sa ating mga mangingisd­a. Pero kahit sorry, hindi man lang hiningi,” ani Aquino.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines