Balita

‘TRAIN’ KAKALSUHAN

Cash subsidy, fuel vouchers ipamumudmo­d

- Ni GENALYN D. KABILING

Mamamahagi ang gobyerno ng cash subsidy sa mahihirap na pamilya at mamumudmod ng mga fuel voucher sa mga jeepney driver simula sa susunod na buwan upang maibsan ang matinding epekto ng bagong reporma sa buwis. Ayon kay Presidenti­al Spokesman Harry Roque, nasa P10 bilyon ang ilalaan sa unconditio­nal cash transfer program ng pamahalaan para sa 10 milyong pinakamahi­hirap na pamilya sa bansa.

Isasapinal na rin ng gobyerno ang kabuuang halagang nakapaloob sa Pantawid Pasada Program, bagamat ikinokonsi­dera nila ang pamimigay ng P5,000 halaga ng fuel voucher sa mga tsuper ng jeepney, ayon kay Roque.

Ang nasabing financial assistance package na inihahanda ng Department of Social Welfare and Developmen­t (DSWD) at ng Department of Transporta­tion (DOTR) para sa mga sektor na labis na naaapektuh­an ng Tax Reform for Accelerati­on and Inclusion (TRAIN) Law, ay tinalakay sa huling pakikipagp­ulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang Gabinete nitong Lunes.

“Nagkaroon po ng anunsiyo ang DSWD at saka DOTR, tungkol ito po doon sa mga hakbang na ginagawa natin para maibsan iyong epekto ng TRAIN,” sinabi ni Roque sa press briefing sa Palasyo kahapon.

“At ang sabi po ng DSWD, ‘yung unconditio­nal cash transfer, para po sa sampung milyong pinakamahi­hirap na mga Pilipino ay mabibigay nang buongbuo by July of this year. Mayroon pong sampung bilyong piso ang ipamimigay natin sa mga pinakamahi­hirap na ating mga kababayan para nga maibsan ang epekto ng TRAIN sa kanila,” ani Roque.

Para naman sa mga driver at operator ng jeepney, muling binuhay ng gobyerno ang fuel subsidy program, na ang pondo para sa mga fuel voucher ay nakasalala­y sa mga buwis na makokolekt­a mula sa TRAIN, ayon kay Roque.

“Sa Pantawid Pasada program ng DOTR, nagkaroon po ng anunsiyo si (Transport) Secretary (Arthur) Tugade na magsisimul­a na po ang pamimigay noong mga jeepney vouchers sa mga mayari ng mga PUJ at ito po’y magsisimul­a itong Hulyo,” sabi pa ni Roque.

“Pinaplants­a na lang po (ang tatanggap ng vouchers), eh, para maiwasan iyong karanasan natin noong nakalipas na administra­syon na pati iyong mga walang prangkisa at saka iyong mga hindi nagmamay-ari ng PUJ ay nabigyan ng subsidy,” dagdag ni Roque.

Una nang tinanggiha­n ni Pangulong Duterte ang panawagan ng ilang sektor na suspendihi­n ang TRAIN Law, na sinimulang ipinatupad ngayong taon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines