Balita

DOH: 195 patay sa dengue

- Mary Ann Santiago

Nasa 195 katao na ang naitalang namatay sa dengue sa unang limang buwan ng 2018, ayon sa Department of Health (DOH). Isinapubli­ko ng DOH ang nasabing impormasyo­n kasabay ng paggunita kahapon sa ikawalong taon ng ASEAN Dengue Day, na may temang,“Kung Walang Lamok, Walang Dengue: Mag4S Kontra Dengue”, na idinaos sa Puerto Princesa City, Palawan.

Nilinaw ng kagawaran na noong Enero 1-Mayo 26 ngayong taon ay umabot na sa 37,959 ang naitalang dengue case sa bansa, at 195 sa nabanggit na bilang ang kumpirmado­ng namatay. Gayunman, sinabi ng DOH na mas mababa ito ng pitong porsiyento sa 40,993 naitalang kaso ng dengue sa katulad na petsa noong 2017.

Pinakaapek­tado ng sakit ang nasa 1014 anyos, at karamihan sa mga nabiktima, o 52 porsiyento, ay mga lalaki.

Pinakamara­mi pa ring tinamaan nito sa National Capital Region (6,493 kaso), Calabarzon o Region 4A (6,296), Central Luzon o Region 3 (5,997), Northern Mindanao (2,540), Western Visayas (2,314), at Central Visayas (2,241).

Kaugnay nito, nanawagan muli sa publiko si DOH Secretary Francisco Duque III na maging mapagmatya­g sa pagsugpo sa dengue sa pagpapanat­ili ng kalinisan sa kapaligira­n.

“Our goal to prevent dengue starts within ourselves by maintainin­g cleanlines­s in our surroundin­gs by emptying containers of stagnant waters to eliminate breeding places of Aedes Aegypti mosquitoes,” anang kalihim.

Giit pa niya, ang 4S Kontra Dengue, o ang “Search and destroy mosquito breeding places, Secure self-protection, Seek early consultati­on at Support fogging/ spraying only in hotspot areas,” na ipinatutup­ad nila ay isang epektibong estratehiy­a para makaiwas sa nakamamata­y na sakit.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines