Balita

Kadamay ‘di na kukunsinti­hin –Palasyo

Nina GENALYN D. KABILING, AARON B. RECUENCO at HANNAH L. TORREGOZA

-

Tuldukan na ang pang-aagaw ng bahay ng Kadamay.

Ito ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police (PNP) na pigilan ang militanten­g urban poor group na Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) sa pagagaw sa mga pabahay ng gobyenro, kasunod ng tangkang pag-okupa ng mga ito sa isang proyekto sa lalawigan ng Rizal.

Sinabi ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque na mahaharap ang mga miyembro ng Kadamay sa buong puwqersa ng batas kapag sapilitan nilang inokupa ang isa pang housing project na nilalayon para sa iba pang mga benepisyar­yo.

“In the past, President allowed Kadamay to occupy government housing project intended for soldiers in Pandi. But if you will recall, the President said that would be the first and the last. Given this latest attempt, the President has given directives to the police that Kadamay should not be allowed to take over these housing units,” aniya sa press briefing sa Palasyo.

Sinabi ni Roque na inatasan din ng Pangulo ang National Housing Authority na magpaliwan­ag kung bakit nananatili­ng nakatiwang­wang ang housing project at kung kailan nila balak na ipamigay ito sa mga benepisyar­yo.

Tinatayang 500 Kadamay members ang lumusob sa housing project na itinayo ng gobyerno para sa mga sundalo at pulis sa Rodriguez, Rizal nitong Miyerkules. Sinabi ng mga nagpoprote­sta na ilang taon nang nakatiwanw­ang ang mga pabahay at dapat na itong ipamigay sa mahihirap.

Nagawang maitaboy ng mga pulis ang mga miyembro ng Kadamay.

TRESPASSIN­G Nagbabala kahapon si Director General Oscar Albayalde, hepe ng Philippine National Police (PNP), na aarestuhin ang mga miyembrong Kadamay na ookupa sa mga pabahay para sa mga sundalo at pulis.

Sinabi ni Albayalde na handa silang alalayan ang NHA para protektaah­an ang housing projects ng gobyenro laban sa ilegal na pag-ookupa.

“I don’t think that it is right to just occupy houses. Remember those houses were already either paid or that some policemen or soldiers have already paid a down payment for those units,” sinabi ni Albayalde.

Sinabi ni Albayalde na maaaring iniisip ng Kadamay na okay lang na okupahin ang housing units matapos silang pagbigyan sa pagokupa nila sa pabahay sa Bulacan.

“Whether or not there is an order, if we see that they would just

occupy houses that do not belong to them that is trespassin­g. That’s violation of the law,” ani Albayalde. KASUHAN Nanawagan naman ang mga senador kahapon sa administra­syon na maghain ng nararapat na kaso laban sa mga miyembro ng Kadamay sa tangkang pag-okupa sa housing settlement ng gobyerno.

“If they have transgress­ed our laws, they should be charged,” sinabi ni Senate minority leader Franklin Drilon sa press conference.

Sinabi ni Drilon na marahil ay inisip ng mga Kadamay na naging matagumpay ang una nilang pananakop kaya inilunsad nila ang pangalawa.

“So we must enforce the rule of law. Whether you are rich or poor, everyone should be equal under the law,” aniya.

Ito rin ang punto ni Sen. Joseph Victor “JV” Ejercito, sinabi na dapat tiyakin ng NHA at ng PNP ang seguridad ng mga pabahay ng gobyerno.

Sinabi ni Ejercito, chair ng Senate housing and urban resettleme­nt committee, na hindi patas kapag bumigay ang gobyerno sa mga hinihiling ng Kadamay sa halip na kilalanin ang karapatan ng mga residente at tunay na mga benepisyar­yo.

“Sobra na ito. Anarchy. ‘Di na dapat palampasin.

“Hindi na pwede gamitin ang rason na sila ay mahihirap at napapabaya­an. Mahihirap din ang kanilang piniperwis­yo na nakatira sa mga pabahay nguni’t responsabl­eng nagsisikap at nagbabayad sa NHA o Pag-Ibig,” diin ni Ejercito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines