Balita

Trillanes natawa sa ikakasong libel ni Pulong

- Vanne Elaine P. Terrazola

Pinagtawan­an lamang ni Senador Antonio Trillanes IV ang planong paghahain ng kasong libel laban sa kanya ni dating Davao City vice mayor Paolo “Pulong” Duterte.

“Clearly, this is another frivolous lawsuit and is meant to harass and divert my attention. But I will not be cowed, I’ll face the lawsuit squarely,” aniya.

Iginiit ni Trillanes na hindi gawa-gawa ang kanyang mga pahayag na umano’y sangkot ang presidenti­al son sa illegal importatio­n ng P6.4-bilyon halaga ng shabu, sa Bureau of Customs (BOC) noong nakaraang taon.

“I had a basis to link his name in the shabu shipment. It’s not as if I just took his name out in thin air and dragged and linked it in this whole mess. I was able to show that in the inquiry,” ani Trillanes sa panayam sa kanya ng ANC.

“Of course, I know the law. That’s why I don’t make statements unnecessar­ily. When I make allegation­s, I have a basis,” dugtong niya.

Sinabi ni Duterte na kakasuhan niya ng libel si Trillanes dahil sa pagsira sa kanyang pangalan at reputasyon, at pag-iimbento ng mga kasinungal­ingan at pagkakalat ng black propaganda laban sa kanya.

Ngunit ikinatwira­n ni Trillanes na ipinipresi­nta lamang niya sa Senado ang “substantia­l” evidence na umano’y nagkokonek­ta kay Duterte sa “major players” sa likod ng shabu shipment na nakalusot sa BOC.

Sinabi rin ni Trillanes hindi ito ang unang pagkakatao­n na nahila ang pangalan ni Duterte sa bentahan ng ilegal na droga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines