Balita

Sanctions sa NoKor mananatili –Pompeo

-

SEOUL (Reuters) – Mananatili ang mabibigat na sanctions sa North Korea hanggang sa makumpleto ang denucleari­zation nito, sinabi ng U.S. secretary of state kahapon.

Naglabas sina U.S. President Donald Trump at North Korean leader Kim Jong Un ng joint statement matapos ang pagpupulon­g sa Singapore na muling nagpapahay­ag ng commitment ng North “to work toward complete denucleari­zation of the Korean Peninsula”, at pagwawakas ng joint U.S.South Korean military exercises at nagbibigay sa U.S. ng mga garantiya ng seguridad sa North Korea.

“President Trump has been incredibly clear about the sequencing of denucleari­zation and relief from the sanctions,” sinabi ni Secretary of State Mike Pompeo sa mga mamamahaya­g matapos makipagpul­ong kina South Korean President Moon Jae-In at Japanese Foreign Minister Taro Kono sa Seoul.

“We are going to get complete denucleari­zation; only then will there be relief from the sanctions,” aniya.

Iniulat ng North Korean state media nitong Miyerkules na kinilala nina Kim at Trump ang prinsipyo ng “step-by-step and simultaneo­us action” para maabot ang kapayapaan at denucleari­zation sa Korean peninsula.

Hindi nakadetaly­e sa summit statement kung kailan aabandonah­in ng Pyongyang ang nuclear weapons program nito

Gayunman, sinabi ni President Moon na dahil sa summit nakaligtas ang mundo sa banta ng digmaan.

Nagbalik si Trump sa United States nitong Miyerkules at bumaling sa Twitter para purihin ang meeting na isang malaking panalo para sa American security.

“Everybody can now feel much safer than the day I took office,” tweet ni Trump. “There is no longer a nuclear threat from North Korea. Meeting with Kim Jong Un was an interestin­g and very positive experience. North Korea has great potential for the future!”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines