Balita

Chinese na ikinulong sa utang, nailigtas

- Bella Gamotea

Isang negosyante­ng Chinese ang nasagip ng pulisya matapos umanong ilegal na ikulong ng apat na kababayan nito na kanyang inutangan ng P300,000 nang matalo sa casino sa Parañaque City, kahapon.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) director, Chief Supt. Tomas Apolinario, Jr. ang biktima na si Yin-Chin Chou, 37, turistang businessma­n na pansamanta­lang nanunuluya­n sa V-Hotel, Malate, sa Maynila.

Dalawa sa apat na suspek ang naaresto na kinilalang sina Tao Xiong, 31; at Yifei Liao, 28, kapwa Chinese, nanunuluya­n sa Solaire Resort and Casino 1 Aseana Avenue, Entertainm­ent City, Barangay Tambo, ng nasabing lungsod.

Pinaghahan­ap pa ng pulisya ang dalawa pa nilang kasabwat.

Sa ulat ng SPD, pinigil at ilegal umanong ikinulong ng mga suspek ang biktima sa loob ng Room No. 1612 Sky Tower Hotel ng Solaire Resort and Casino, dakong 5:00 ng madaling araw.

Nakatangga­p ng tawag ang Parañaque City Police mula sa Taipei Economic & Cultural Office (TECO) kaugnay ng umano’y illegal detention sa loob ng Solaire.

Humingi ng tulong ang pamilya ni Yin- Chin sa TECO matapos umanong mag-demand ang mga suspek na bayaran ang sinasabing inutang ng biktima na P300,000 kapalit ng kanyang kalayaan.

Agad nakipag-ugnayan ang TECO sa awtoridad at ikinasa ng pinagsanib na puwersa ng Paranaque Police at SPD ang rescue operation hanggang sa nasagip ang biktima at nadakip ang dalawa sa apat na suspek.

Ayon sa biktima, dumating siya sa bansa nitong Hunyo 11 at kinumpirma­ng ikinulong siya ng mga salarin.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines