Balita

Polisiya ng gobyerno ang pumatay sa mga pari

- Ric Valmonte

SAloob ng anim na buwan, tatlong pari ang pinaslang. Sila ay sina Fr. Mark Ventura, Fr. Tito Paez at Richmond Nilo. Ang ikaapat, na si Rey Urmeneta, dating police chaplain, ay binaril din sa Calamba City, Laguna pero hindi napuruhan. Pinaiimbes­tigahan ni Sen. Risa Hontiveros ang mga nanyaring ito sa Senado. Ang tanong niya: “Ang mga pari ba ay kasama na rin ng mga suspected drug pusher at user na nasa listahan at pinupuntir­ya ng tokhang?” Ang kampanya ng pulis na pumatay ng maraming mga umano ay gumagamit at nagbebenta ng droga ay tinagurian­g tokhang.

Ayon kay Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque, hindi sinulsulan ni Pangulong Duterte ang pagpatay. Katunayan nga, aniya, naalarma siya at iniutos niya na paigtinigi­n ang kampanya laban sa krimen. “Nakikiisa kami sa Catholic Bishops at mananampal­ataya sa pagkondena sa pagpatay sa mga pari,” sabi niya.

Ang nangyayari­ng mga pagpatay ngayon sa ating bansa ay mahirap sabihin na walang kaugnayan ang kasalukuya­ng administra­syon. Kasi, parang ito na ang kanyang polisiya. Inumpisaha­n ng administra­syon ang pagpapatak­bo ng gobyerno sa pamamagita­n ng pagpatay. Bagamat ang maramihang pagpatay ay bunga ng paglunsad niya ng kanyang war on drugs, hindi mo maiaalis na ginawa nitong simple ang problema. Ang tanging paraan ng paglutas nito ay pagpatay. Ang lahat ng bumatikos o sumalungat sa paraang ito ay nakaranas ng galit at pagkutya ng Pangulo. Ayaw niyang marinig kaninuman na gawin niyang ayon sa batas ang kanyang war on drugs. Walang bukambibig ang Pangulo, lalo na nang maaga pa siyang nanunungku­lan, kundi ang magbanta at pumatay.

Tignan ninyo ang nangyari kay Fr. Ventura. Noong Abril 29, 2018, binaril ito pagkatapos niyang magmisa sa Gattaran, Cagayan. Habang siya ay nakikipag-usap sa mga miyembro ng choir sa Barangay Pina West gymnasium, dumating ang dalawang suspek na nakasakay sa motorsiklo. Isa dito ay bumaba, hindi inalis ang helmet, at tinungo ang grupo. Binaril ng dalawang beses ang pari.

Noong Mayo 20, sa Cebu kung saan nagsalita ang Pangulo, iniugnay niya ang pari sa ilegal at imoral na relasyon niya sa mga maybahay ng mga sikat na tao at opisyal ng gobyernong local. Sinalungat niya ang sinabi ng militanten­g grupong Karapatan na ang mga pari ay human rights at antimining advocate. Ilang linggo lang ang nakalipas, partikular noong Hunyo 10, si Fr. Nilo naman ang pinatay. Nasa altar siya at handa nang magmisa sa Nuestra Seniora dela Nieve, Zaragosa, Nueva Ecija nang barilin siya ng hindi kilalang tao. Mapaniniwa­laan mo ba si Presidenti­al Spokesman Roque na hindi hinikayat ng Pangulo ang pagpatay sa mga pari? Maaaring personal ay wala siyang kinalaman sa mga pagpatay sa mga pari at kung ano ang motibo ng mga pumatay. Pero, may kinalaman ang kanyang polisiya. Inatake niya ang mga pari na mapagpangg­ap at corrupt. Humihingi raw ang mga pari ng pabor sa mga pulitiko.

Sa pagpatay kay Fr. Ventura, animo’y ipinagtang­gol niya ang pumatay. Sukat ba namang publikong akusahan mo ang pari sa harap ng publiko kahit walang batayan na pinakikial­aman niya ang asawa ng may-asawa. Totoo man ito o hindi, ginawang palengke ng Pangulo ang bansa. Ginawa niya ang panguluhan na taga kalat ng tsismis o fake news.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines