Balita

Manay Ichu Maceda, may payo sa filmmakers

- Reggee Bonoan

PINARANGAL­AN ng Film Developmen­t Council of the Philippine­s (FDCP) ang isa sa mga Ina ng Industriya ng Pelikula sa Pilipinas, si Maria Azucena Vera-Perez Maceda, o mas kilala bilang Manay Ichu, sa event na A Spotlight on Mothers of Philippine Cinema na ginanap noong Hunyo 9, 2018 sa Cinematheq­ue Center Manila.

Si Manay Ichu ay lumaki sa industriya, at mula sa pamilya na nagmamay-ari ng Sampaguita Pictures, isa sa pinakamala­king film production company sa Pilipinas mula dekada ‘30 hanggang sa ‘70. Ang Sampaguita Pictures ang gumawa ng mga klasikong pelikula na minahal ng mga Pilipino at nakapagbig­ay ng libulibong trabaho sa mga filmmakers at talents.

Siya ang producer ng highly-acclaimed films tulad ng Dyesebel at Batch ‘81. Ang kanyang passion at pagmamahal sa industriya ay hindi tumigil sa paggawa ng mga pelikula.

Mula sa kinalakiha­n niya sa Sampaguita, tumulong siya na makita at mapahusay ang mga ahensiya na may kaugnayan sa pelikula, isang pagpapatun­ay na maaari kang maging isang mahalagang bahagi ng industriya ng pelikula kahit na hindi ka kasama sa paggawa ng pelikula.

Tumulong siya na maitaguyod ang Movie Work Welfare Foundation (MOWELFUND), ang Metro Manila Film Festival (MMFF), ang Film Academy of the Philippine­s (FAP), ang Philippine Motion Pictures Producers Associatio­n, ang Experiment­al Cinema ng Pilipinas at ang FDCP, kung saan siya namuno sa Internatio­nal Film Festival Committee (IFFCOM).

“Truly, Manay Ichu is an exceptiona­l force in the film industry. She has helped found the current pillars of Philippine Cinema and has made steadfast strides for its further developmen­t. We are more than honored to recognize her for her life’s work,” pahayag ni FDCP Chairperso­n Liza Diño.

At sa kanyang speech ay may payo si Manay Ichu sa filmmakers base sa mga aral na natutunan niya sa industriya. “Remember that aside from being an art form, this is basically a business, so you have to at least break even so you can recover your investment and produce the second film.

“Para que pa kayo magpo-produce ng bagong pelikula (kung) kayo lang ang nakakainti­ndi, wala namang manonood? Hindi na kayo makakagawa ng pangalawan­g pelikula, tandaan n’yo ‘yan. Never make a film solely to satisfy yourself. Make your film for a wide audience.” Ibinahagi rin niya na dapat mahalin ang industriya nang hindi umaasa sa anuman sa pagbabalik.

“Love your craft and love the industry. Don’t expect anything back aside from your investment of course. Huwag mong asahang ibalik kaagad sa’yo ang ipinakita mong pagmamahal sapagkat balang araw babalik yan sa inyo tulad ng tinatamasa ko ngayon,” sabi niya.

Ang pagdiriwan­g ay dinaluhan ng mga espesyal na bisita na malapit sa puso ni Manay Ichu, tulad nina Ms. Gina Alajar, Ms. Nova Villa, Ms. Gloria Romero, Ms. JoAnn Bañaga ng TV5 at Regal Producer, Mother Lily Monteverde.

Ang bawat isa ay nagbigay ng espesyal na mensahe para kay Manay Ichu kabilang ang dalawa sa kanyang mga anak, si Atty.

Ernest Maceda at si Ginoong Erwin Maceda na naroon kasama ng kani-kanilang pamilya. Ginawaran siya ni Chairperso­n Diño ng plake ng karangalan, kasama ang well wishes para sa kanyang future endeavours.

 ??  ?? Manay Ichu
Manay Ichu

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines