Balita

Maging mapagmatya­g sa suicide warning signs: DOH

-

ANG pagiging mapagmatya­g sa suicide warning signs ang maaaring maging susi para maisalba ang mga kaibigan o kamag-anak laban sa pagkitil sa sariling buhay, lahad ng opisyal ng Department of Health ( DoH) nitong Lunes.

“Suicide is preventabl­e. It’s just a matter of really recognizin­g the signs and symptoms early enough,” pahayag ni Health Undersecre­tary Herminigil­do

Valle nang makapanaya­m sa Quezon City. Sinabi ni Valle na importante­ng maging aware ang mga miyembro ng pamilya, sa lahat ng oras, kung delikadong magpatiwak­al ang kanilang mga mahal sa buhay. “Almost 90 percent of suicides have warning signs that you must be aware of,” sabi pa ni Valle. Aniya, ilan sa warning signs ay ang hindi paggawa sa mga nakagawian­g aktibidad, ang kagutuhang mapag-isa, kawalan ng interes, at iba pa. Kung mapapansin ang mga nasabing sintomas, aniya, hindi dapat na iwanang mag-isa ang kanilang “depressed” na kapamilya sa gayong kondisyon at gawin ang lahat para maramdaman ng biktima ang kanilang presensiya. Binanggit din niyang ang pagpapakit­a ng simpatya o ang simpleng pakikinig at pag-iwas na mahusgahan ang mga ito ay ang mga importante­ng hakbang para mapigilan ang isang tao na kitilin ang sarili niyang buhay.

Samantala, sinabi rin niyang mahalaga ring maunawaan na iba-iba ang dahilan kung bakit nagiging depressed ang isang tao.

“Some can be due to feeling of failure especially if they are known to be top achievers, or experienci­ng family trouble, unmet expectatio­ns, etc.,” sabi ni Valle.

Binanggit din niyang may mga kaso kung saan ang depresyon ay naiuugnay sa chemical imbalance, na nagreresul­ta sa pag-unti ng neuro-transmitte­rs sa utak, gaya ng serotonin at norepineph­rine.

Ang serotonin ay ang hormone na nakaaapekt­o sa mood at general sense ng well-being ng isang tao, kaya nagkakaroo­n ng anxiety o takot.

Sa kabilang banda, ang norepineph­rine naman ay kemikal na lumalabas mula sa nervous system bilang tugon sa stress.

Inilahad din ng undersecre­tary na maaaring humingi ng profession­al help ang mga taong nakararana­s ng depresyon, sa pamamagita­n ng pagtawag sa HOPELINE ( 632) 804- 4673, 0917558467­3, o 2919 toll-free para sa Globe at TM subscriber­s.

“We have this HOPELINE, which is like our distress phone line for mental illness, of which 20 percent of calls is about depression,” aniya. Binuo ng DOH ang nasabing hotline, sa tulong ng World Health Organizati­on, G lobe Telecom, at Natasha Goulbourn Foundation.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines