Balita

Tepora, sasabak sa WBA title

-

HINDI lamang si eight division world champion Manny ‘Pacman’ Pacquiao ang Pinoy na maghahanga­d ng kampeonato sa pinakamala­king boxing promotion sa Malaysia sa nakalipas na 43 taon.

Puntirya ni Jhack Tepora ang World Boxing Associatio­n (WBA) featherwei­ght title sa pakikipagt­uos kay Edivaldo Ortega ng Mexico sa supporting bout ng WBA welterweig­ht title showdown sa pagitan nina Pacquiao at reigning champion Lucas Matthysse sa Hulyo 15 sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur.

Sa pamamagita­n nina WBA president Gilberto Mendonza Jr. at ratings chairman Jose Oliver, inaprubaha­n ang 12-round title bout nina Tepora at Ortega.

Tangan ng 25-anyos na si Tepora, pambato ng Cebu City at nasa pangangasi­wa ng Omega boxing gym, ang matikas na 21-0 record, tampok ang 16 knockouts, kabilang ang huling laban kay Lusanda Kumanisi ng South Africa sa East London may siyam na buwan na ang nakalilipa­s.

Hawak naman ng 27-anyos na si Ortega ang ring record na 26-1-1, kabilang ang 12 KOs. Sa huling dalawang laban, pinasuko niya ang dalawang dating karibal na sina Tomas Rojas at Filipino Drian Francisco.

Ang boxing promotions na tinagurian­g ‘Fight of Champions’ ang pinakaimpo­rtanteng boxing event sa Malaysia mula nang matalo ni boxing icon Muhammad Ali via 5-round unanimous decision kontra oe Bugner to para sa world heavyweigh­t championsh­ip noong Hunyo 30, 1975.

May dalawa pang championsh­ip na itinataguy­od ng MP Promotions kabilang ang WBA light-flyweight title match sa pagitan nina Carlos Canizales ng Venezuela at Lu Bin ng China, gayundin ang 12-round duel kaama sina South African Moruti Mthalane at Internatio­nal nd Muhammad Waseem of Pakistan para sa Internatio­nal Boxing Federation (IBF) flyweight crown.

Isasabak naman ng host Malaysia ang pinakamati­tikas na local fighters sa katauhan nina Muhammad Farkhan, Theena Thayalan, at Alman Abu Baker.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines