Balita

Iranian lider, nakiisa sa Pinoy arnis

- Annie Abad

HIGIT pang matutunan at maunawaan ang kalidad at aspeto sa sports na arnis ang hangarin ng Iranian delegation sa kanilang pagbisita sa bansa.

Nakipagpul­ong si Hossein Ezzati, pangulo ng Arnis Commission of Iran, sa pamunuan ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa courtesy call sa Rizal Memorial Complex.

Sinamahan si Ezzati ng pamunuan ng Philippine Eskrima Kali Arnis Federation (PEKAF) sa pangunguna nina secretary general Rene Tingson, Executive Director Ronyll Mendoza at mga Board of Directors na sina Patty Caballero, Samuel Dulay, Gerald Canete, Felipe Abello Jr., Efrem Adresto at Mario Palazuelo.

Humingi ng gabay ang Grand Master na si Ezzati sa pamunuan ng PEKAF upang gabayan ang kanyang liderato sa mga alituntuni­n ng national sport ng bansa na Arnis.

Handa naman umano ang pamunuan ng PEKAF ayon Kay Canete na turuan ang bansang Iran upang lubos na matutunan ang larong Arnis.

“We are very much willing to help and we appreciate your coming to the Philippine­s,” ayon kay Canete, nakahandan­g samahan si Ezzati na manood ng mga kompetisyo­n ng Arnis sa kanyang 10 araw na pananatili sa bansa.

Dati pa nagpakita ng interest ang bansa ng Iran sa Arnis kung saan nabuo ang Memorandum of Understand­ing noong 2014 para sa pagpapalit­an ng kaalaman sa larangan ng sports sa pagitan ng dalawang bansa.

Ipinagmala­ki pa ng Arnis Commission of Iran na lumalaki na ang bilang ng mga kabataan sa kanilang bansa na nagkakaint­eres sa sport na Arnis.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines