Balita

Aces, makikihati sa liderato ng ROS

Mga Laro Ngayon (MOA Arena) 4:30 n.h. -- Meralco vs Blackwater 7:00 n.g. -- NLEX vs Alaska

- Marivic Awitan

MAKASALO sa solong lider Rain or Shine ang tatangkain ng Alaska sa muli nilang pagsalang ngayong gabi sa pagpapatul­oy ng 2018 PBA Commission­er ‘s Cup.

Nakatakdan­g makatungga­li ng Aces para sa target nilang ikapitong sunod na panalo upang tumabla sa Elasto Painters (7-1) sa pamumuno ang NLEX sa tampok na laro ngayong 7:00 ng gabi matapos ang unang bakbakan sa pagitan ng Meralco at Blackwater ganap na 4:30 ng hapon.

Patuloy ang ratsada ng Aces na sisikaping pigilin ng Road Warriors kahit wala ang dalawang pangunahin­g guards na sina Kiefer Ravena at Kevin Alas.

Muling sasandigan ng Aces ang nakaraang linggong Player of the Week na si Vic Manuel upang pamunuan ang tangkang ipagpatulo­y ang kanilang winning streak katulong ang import na si Antonio Campbell habang suspindido ang kanilang ace forward na si Calvin Abueva.

Huling tinalo ng Aces para sa ika-6 na sunod nilang panalo Magnolia noong nakaraang Hunyo 10 habang manggagali­ng naman ang Road Warriors sa back-toback losses, pinakahuli noong Sabado sa kamay ng Barangay Ginebra Kings, 85-93 sa larong idinaos sa Bicol na nagbaba sa kanila sa markang 2-6.

Sa unang laro, tatangkain ng Meralco na makatabla sa ikatlong puwesto sa TNT Katropa (6-2) sa pagtutuos nila ng Blackwater (1-8) na hangad namang madagdagan ang naitalang nag-iisang panalo.

Muling sasandigan ni coach Norman Black upang masundan ang naitalang overtime win nila kontra Phoenix sina import Arinze Onuaku, Baser Amer at KG Canaleta.

Sa kabilang dako, muli namang magsisikap na humabi ng mahika para mapalabas ang best effort ng Elite si coach Bong Ramos partikular mula kina import Henry Walker, JP Erram, Mike Digregorio, at Allein Maliksi.

 ?? RIO DELUVIO ?? BLACK SWAN! Tila baylarina na napataas ang paa ng import na si Renaldo Balkman ng San Miguel Beer nang iwasan ang depensa ng Globalport sa isang tagpo ng kanilang laro sa PBA Commission­er’s Cup nitong Miyerkules sa Araneta Coliseum. Nagwagi ang batang...
RIO DELUVIO BLACK SWAN! Tila baylarina na napataas ang paa ng import na si Renaldo Balkman ng San Miguel Beer nang iwasan ang depensa ng Globalport sa isang tagpo ng kanilang laro sa PBA Commission­er’s Cup nitong Miyerkules sa Araneta Coliseum. Nagwagi ang batang...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines