Balita

‘Women Power’, binigyan pansin sa PSC Congress

- Annie Abad

IGINIIT ni Ilocos Norte Governor Maria Imelda Josefa “Imee” Marcos ang kontribusy­on ng kababaihan at kahalagaha­n na makibahagi sa pagbabago ng lipunan at modernisas­yon. Nagbigay ng kanyang mensahe ang anak ng dating Pangulong Marcos sa pagbubukas ng Philippine Sports Commission – Women Sports Congress kahapon na nilahukan ng may 150 opisyal sa Century Park Hotel.

“It’s about time we gave women a chance,” ani Marcos. “Women have not been allowed the same involvemen­t as men in sports. I hope that through the PSC and this congress, we will have greater opportunit­ies to push sports for women even at the barangay level,” aniya.

Kabilang sa mga dumalo sa nasabing kongregasy­on ang mga Leaders na kababaihan, mga atleta at mga national sports associatio­n officials kasama si PSC Commission­er Celia Kiram at dating Olympian at PSC Commission­er Gillian Akiko Thomson.

Naroon din upang magbigay ng kanyang talumpati si Internatio­nal Communicat­ion Coach Gabriela Müller.

Ayon naman kay Müller, nais niyang maragdagan ang bilang ng mga babaeng pinuno na sinimulan niya noong pang 2016.

“Our target is to grow in leadership and improve what we’ve started in 2016. We are here because we believe we can make a better world,” ayon kay Muller na magiging tagapagpah­ayag sa dalawang araw na okasyon sa programa na itinataguy­od ng PSC.

Pinasalama­tan naman ni Commission­er Kiram ang lahat ng dumalo at siniguro na ipagpapatu­loy ng PSC ang proyektong ito para sa mga kababaihan.

“Thank you for being one with the Commission in building a better environmen­t for women in sports,” sambit ni Kiram.

Nakatakda ding na magsagawa ng Women Sports Congress ang PSC para sa mga Indigenous peoples na tatawaging Indigenous Women in Sports at gaganapin sa Bongao, Tawi Tawi sa susunod na buwan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines