Balita

‘WALANG ITINATAGO’

Malacañang handa sa anti-tambay probe

- Ni Martin A. Sadongdong

Hindi na maaaring gamitin ng mga pulis ang terminong “tambay” sa kanilang operasyon.

Ito ay makaraang iutos ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde sa 190,000 tauhan niya na iwasan nang gamitin ang nasabing bansag kasunod ng pagbatikos sa pulisya kaugnay ng serye ng pagdampot sa mga lumalabag sa ordinansa.

“Ipinagbawa­l na natin sa kanila ‘ yung paggamit ng tambay na word. Sabi nga natin there is no violation because of tambay. Ito ay nahuli because they are violating city ordinances not because they are tambays,” paglilinaw ni Albayalde sa press conference sa Camp Crame kahapon.

Dapat na lamang aniyang gamitin ng mga pulis ang salitang “violators of city or local ordinances” upang malinawan ang publiko na ang inaaresto ay mga lumabag lamang sa batas.

“Wala na pong dapat ikatakot dahil nakita ng ating mga kababayan, zero tolerance tayo sa mga pangaabuso ng iba kung talagang makita naman natin na ‘yung mga pulis natin ay may ginawang pang-aabuso. Kung natatakot sila na magsumbong sa local police, pumunta sila sa regional headquarte­rs o dito sa national headquarte­rs,” ayon sa kanya.

Nilinaw din ni Albayalde na aabot na sa 11,000 ang mga dinampot sa paglabag sa ordinansa.

Ipinaliwan­ag pa ni Albayalde na nailabas na ng PNP ang guidelines sa pagpapaigt­ing ng pagpapatup­ad ng city ordinance.

Ang guidelines, aniya, sa paghuli sa mga lumalabag sa ordinansa ay nakapaloob sa kanilang Police Operationa­l Procedure na nasa listahan din ng binagong PNP Manual na inilabas noong Disyembre 2013.

 ?? MARK BALMORES ?? WOW, COLORFUL! Bilang suporta sa selebrasyo­n ng Pride Month ng lesbians, gays, bisexuals and transgende­rs community, binuksan sa publiko ang Rainbow Lane sa Araneta Center sa Cubao, Quezon City kahapon.
MARK BALMORES WOW, COLORFUL! Bilang suporta sa selebrasyo­n ng Pride Month ng lesbians, gays, bisexuals and transgende­rs community, binuksan sa publiko ang Rainbow Lane sa Araneta Center sa Cubao, Quezon City kahapon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines