Balita

Richard, walang kupas

- Reggee Bonoan

HINDI nakarating si Jodi Sta. Maria sa mall tour ng seryeng

Sana Dalawa Ang Puso sa Marquee Mall sa Pampanga nitong Linggo, dahil nagkasakit siya.

Base sa post ng aktres sa kanyang Twitter account nitong Linggo: “Woke up this morning feeling under the weather. I am so disappoint­ed that I can’t be at the mall show at Marquee Mall today but please show your support to the exceptiona­l cast of S2P!”

Pero kahapon ng umaga ay mukhang okay na ang pakiramdam ni Jodi dahil nagpost na siya: “Start your week with good and noble intentions! Have a great week ahead, everyone!”

“Opo, okay na si Jodi now,”pagkumpirm­a naman ng taga- S2P production.

Samantala, pinasaya ng buong cast ng Sana

Dalawa Ang Puso ang mga taong nanood sa kanila, sa pangunguna nina Nikki Valdez, Ylona Garcia, Henz Villaraiz, Markus Paterson, Kitkat, Jeremy Glinoga, Joaquin Reyes, Brace Arquiza, Ali Forbes,

Raine Salamante, at Richard Yap. Grabe ang hiyawan ng tao nang lumabas si Sir Martin ni Mona (Jodi), as in wala pa ring kupas talaga si Ser Chief at si Papa Chen.

Anyway, marami pang loyal viewers ng Sana Dalawa Ang Puso sa probinsiya ang nagre-request na sana ay magkaroon din ng mall tour ang cast sa lugar nila.

Tinanong namin ang taga-Star Creatives tungkol dito. “As of now po wala pang sched sa ngayon dahil sa tapings. Hahanapan pa po ulit ng maluwag na oras.”

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines