Balita

Abaya, 16 pa, kakasuhan sa MRT deal

- Czarina Nicole O. Ong

Nahaharap sa panibagong kaso si dating Department of Transporta­tion (DOTr) Secretary Joseph Emilio Abaya at 16 na iba pa kaugnay ng umano’y maanomalya­ng P4.2- bilyong MRT-3 maintenanc­e contract.

Kahapon, pinakakasu­han na ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang mga ito dahil sa paglabag sa Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) matapos makitaan ng probable cause ang reklamo laban sa mga ito.

Kabilang sa pinakakasu­han sa Sandiganba­yan sina DOTr Undersecre­taries Edwin Lopez, Rene Limcaoco, pinuno ng Negotiatin­g team; at Catherine Jennifer Francis Gonzales, vice head ng negotiatin­g team.

Kasama rin sa kaso sina MRT-3 General Manager Roman Buenafe; Camille Alcaraz, assistant secretary for procuremen­t; Ofelia Astrera, vice chairperso­n; MRT- 3 Bids and Awards Committee Charissa Eloisa Julia Opulencia; Atty. Oscar Bongon, hepe ng Engineerin­g Division; at Jose Rodante Sabayle, Engineer III.

Hindi rin nakaligtas sa demanda ang mnga private respondent na sina Eldonn Ferdinand Uy, ng Edison Developmen­t and Constructi­on; Elizabeth Velasco, ng Tramat Mercantile Inc.; Belinda Tan, ng TMI Corporatio­n, Inc.; Brian Velasco, ng Castan Corporatio­n; at Antonio Borromeo, Jun Ho Hwang at Elpidio Uy, pawang mula sa Busan Universal Rail, Inc. (BURI).

Natuklasan ng Special Panel of Investigat­ors ng Ombudsman na nagsagawa ng dalawang bidding ang mga ito noong Oktubre 2014 at Enero 2015 para sa tatlong taong maintenanc­e service contract ng MRT3.

“The biddings were considered as a failure due to non-submission of bids, so Abaya took action on January 28, 2015 and issued a Special Order creating the MRT3 Bids and Awards Committee ( BAC) for the procuremen­t of goods, infrastruc­ture projects and consulting services of the MRT3 system,” ayon sa Ombudsman.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines