Balita

Technology provider, hanap na ng Comelec

- Mary Ann Santiago

Sinimulan na ng Commission on Elections ( Comelec) ang paghahanap ng technology provider na magta- transmit ng resulta ng botohan sa mid-term elections sa Mayo 13, 2019.

Nabatid na binuksan na ng Comelec ang bidding para sa technology provider ng Election Results Secure Transmissi­on Solutions at Management and Related Services bilang bahagi ng paghahanda sa naturang automated elections.

Batay sa inisyung invitation to bid, na pirmado ni Special Bids and Awards Committee (SBAC) Chairman Thaddeus Hernan, naglaan ang Comelec ng kabuuang P1,181,567,128.50 pondo para sa kontrata ng nasabing proyekto.

Ang mga tatanggapi­ng bidder ay dapat na nakakumple­to na ng kontrata sa kaparehong proyekto sa nakalipas na pitong taon.

Limitado lamang ang open competitiv­e bidding sa mga kumpanya na pag- aari ng mga Pilipino o mga organisasy­on na mayroong 60- percent interest pataas, o outstandin­g capital stock na pag-aari ng Pilipino.

Ayon sa Comelec, ang mga interesado­ng lumahok sa bidding ay maaaring bumili ng kumpletong set ng bidding document na nagkakahal­aga ng P75,000 hanggang sa Hulyo 13, 2018.

Inaasahang magdaraos naman ang BAC ng pre-bid conference sa Hunyo 29, 2018 at ang bid opening ay sa Hulyo 13, 2018.

Samantala, mahigpit ang paalala ng poll body na ang mga bid ay dapat maisumite sa BAC Secretaria­t bago sumapit ang 9:00 ng umaga sa Hulyo 13, sa EBAD Conference Room sa Palacio del Gobernador Building sa Intramuros, Manila.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines