Balita

Palasyo: Gulo sa WPS, kasalanan ni Aquino

- Argyll Cyrus B. Geducos

Sinabi ng Malacañang na hindi hihingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa desisyon nitong makipagkai­bigan sa China dahil ang polisiyang ito ang itinuturin­g niyang isa sa mga solusyon para maresolba ang iringan sa South China Sea.

Ito ang ipinahayag ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque matapos magpahayag si Acting Chief Justice Antonio Carpio na ang paulit-ulit na bababala ni Duterte na ang paggigiit sa sovereignt­y ng bansa sa West Philippine Sea (WPS) ay magreresul­ta lamang sa giyera sa China.

Sa press briefing sa Cagayan de Oro, sinabi ni Roque na ang paggamit ng puwersa laban sa China ay magbubunga lamang sa military misunderst­anding sa higante ng Asia.

Sinabi rin ng opisyal ng Palasyo na ang desisyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III na magpadala ng Navy sa Panatag (Scarboroug­h) Shoal ay ang pangunahin­g dahilan kung bakit naroon ang Chinese forces at hindi na umalis.

“Well, hindi po nag-a-apologize ang Presidente roon. Dahil sa totoo lang po, kung tayo po ay gagamit ng dahas gaya ng ginawa ni Presidente Aquino na naging dahilan kung bakit nandoon na ngayon ang mga Tsino sa Panatag, ‘yung pagpapadal­a ng isang Navy ship, ay magreresul­ta po ‘yan sa isang hidwaang militar na iniiwasan natin,” ani Roque.

“Kasi noong nakipag-away tayo, malinaw na pinagtabuy­an tayo sa Panatag. Hindi po ‘yan mabubura. ‘Wag po nating kalimutan, na si Presidente Aquino ang unang nag-militarize niyan dahil siya nagpadala ng Navy,” dagdag niya.

Idiniin ng opisyal ng Palasyo na mareresolb­a ang iringan sa pamamagita­n ng diplomasya at binanggit na ang pagpapabut­i sa relasyon ng Pilipinas at China marahil ay magbubunga ng resolusyon.

“Itong pagkakaibi­gan po, siya pong dahilan kung hindi lang tayo nagkakaroo­n ng mas malawakang pagsasamah­an sa bansang Tsina. At itong bagong pagkakaibi­gan po, ito rin ang magbibigay ng solusyon dahil ang desisyon po ng Arbitral Tribunal, wala pong kinalaman sa pinagaagaw­ang isla,” ani Roque.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines