Balita

Suspek sa SAF 44 massacre, natiklo

- Fer Taboy

Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar ang isa sa mga suspek sa pagpatay sa 44 na miyembro ng Special Action Force (SAF) sa Maguindana­o, ilang taon na ang nakararaan.

Hawak na ngayon ng grupo ni Senior Supt. Edwin Wagan, hepe ng Maguindana­o Police Provincial Office ( MPPO), si Rolando Samal, alyas “Blackmoro Samal” at “Rex Samal”, ng Barangay Manungkali­ng, Mamasapano, Maguindana­o.

Isinagawa ang pag-aresto nang salakayin ng Criminal Investigat­ion and Detection Group (CIDG) at mga sundalo na miyembro ng intelligen­ce force, ang bahay ni Samal.

Nasamsam kay Samal ang isang .45 caliber pistol at mga bala.

Bitbit, aniya, nila ang warrant of arrest na inilabas ni Regional Trial Court (RTC) 12-Branch 15 Judge Alandrex Betoya sa kasong direct assault with murder (44 counts) na walang piyansa.

Sinabi ni Wagan na may kinalaman sa madugong engkuwentr­o ng SAF, Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ( BIFF) sa Barangay Tukanalipa­o, Mamasapano, noong Enero 25, 2015.

Matatandaa­ng nagsagawa ng operasyon ang SAF sa bayan ng Mamasapano laban sa Indonesian terrorist na si Zulkipli Bin Hir alyas “Marwan” nang sumiklab ang engkuwentr­o.

Napatay ng raiding team si Marwan ngunit nakabakbak­an nila ang mas malaking puwersa, sa hinalang nagsanib ang MILF, BIFF, at iba pang pribado na armadong grupo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines