Balita

Farm tourism isusulong sa Baguio City

- PNA

HINIKAYATn­i Senador Cynthia Villar ang mga magsasaka sa lungsod ng Baguio na samantalah­in ang Farm Tourism Law, na ayon sa kanya ay malaki ang maibibigay na pakinabang, tulad sa aspeto ng malaking kita at libreng edukasyon, at higit sa seguridad ng sapat na pagkain para sa bansa.

Ang farm tourism, ayon sa batas ay “the practice of attracting visitors and tourists to farm areas for production, educationa­l, and recreation­al purposes. It involves any agricultur­al or fishery-based operation or activity that brings to a farm visitors, tourists, farmers, and fisherfolk, who want to be educated and trained on farming and its related activities, and provides a venue for outdoor recreation and accessible family outings.”

Sa kanyang naging pagbisita kamakailan sa Baguio, sinabi ni Villar na nasa 20 farm school na ang nabigyan ng akreditasy­on ng Technical Education and Skills Developmen­t Authority (TESDA) sa buong rehiyon ng Cordillera simula nang ipatupad ang tourism law.

“We started this in 2015 and we are happy that a lot of people accepted the challenge to convert their lands into farm schools.”

Ayon sa senadora, nagbibigay din ang farm tourism sa mga magsasaka ng kalamangan para sa produksiyo­n ng agrikultur­a dahil sa dagdag na kaalaman at mas maraming potensiyal na mamimili at mangangala­kal para sa kanilang mga ani.

Dagdag pa niya, sa pamamagita­n ng mga farm school, maaari ring makapag-aral ang mga anak ng mga magsasaka at makakuha ng edukasyon tungkol sa farm management and production, na makatutulo­ng naman sa paglago ng industriya ng agrikultur­a sa bansa sa hinaharap.

Bukod dito, ang TESDA rin ang magbabayad ng matrikula ng mga magnanais magenrol sa ilalim ng programa.

“This will also provide accessibil­ity to free education and at the same time convenienc­e to the farmers. Small farms are very important because it feeds us,” giit ng senadora.

Nabanggit din niya ang isang pag-aaral na nagsasabin­g 70 porsiyento ng produktong agrikultur­a sa buong mundo ang nanggagali­ng sa maliliit na taniman. “So, if we need food security, we have to take care of small farms,” saad ni Villar. “If you declare your land as a tourist farm, it has to be accredited by the DOT. Once accredited, the department will have to include the facility on the tourist farm list, promote it, and utilize their programs,” paliwanag pa niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines