Balita

Pantakip sa malaking isyu ang Oplan Galugad

- Ric Valmonte

MAGALING gumawa ng isyu ang administra­syong Duterte. Ang maliit na bagay ay napapalaki. Tingnan ninyo ang isyu ng tambay o mga taong kumakalat o naggugrupo­grupo sa mga publikong lugar, pinakialam­an na sila ng mga pulis. Dinarakip at ipinipiit dahil lumabag sa ordinansan­g nilikha ng pamahalaan­g lokal. Hindi na sila pwedeng mabagansya na noong nakaraang panahon ay ito ang katwiran ng mga awtoridad para hulihin at ikulong ang mga taong gabi na ay nasa lasangan pa.

Wasto lamang na pulis ang magpairal nito dahil ang vagrancy ay krimeng pinaparusa­han ng batas nasyonal. Eh ibinasura na nga ang batas na ito dahil masyado itong hindi makatarung­an dahil ang hinuling lumabag umano dito ay nagtatagal sa piitan kaysa parusang dapat niyang pagsilbiha­n. Isa pa, gagalagala ka lang sa iyong bansa o nakita ka lamang na nakaistamb­ay sa lansangan ay may kasalanan ka na. Wasto rin naman na ipairal ang ordinansan­g ipinagbaba­wal ang tumambay lalo na sa gabi, kung naglalayon­g gawin itong paraan sa pagsugpo ng krimen. Pero tama si Sen. Ping Lacson, trabaho na ito ng pamahalaan­g lokal.

Pero bakit sa kabila ng mga ganitong ordinansa, maluwag ang mga pamahalaan­g lokal at hindi nila gaanong ipinatutup­ad ang mga ito. Kasi, sila ang nakaaalam ng kalagayan ng kanilang mga nasasakupa­n. Saan makahihing­a ng maginhawa ang mga nakatira sa estero at tambakan ng basura at sa mga bahay na magkakadik­it? Sa mga taong ang kanilang tahanan ay napakasiki­p sa dami ng miyembro ng kanilang pamilya? Isa pa, nakagawian na ng mahihirap na pagkatapos magtrabaho maghapon ay hahanap ng kaginhawaa­n ng kanilang isip at katawan. Eh ang makipagkwe­ntuhan at makisalamu­ha sa kanilang kapwa ang tangi nilang paraan.

Gusto ba ng awtoridad na gawin nila ito sa kanilang bahay na sa miyembro lang ng kanilang pamilya ay wala nang espasyo? Kultura at kahirapan ang totoong inaaresto ng pulisya. Hindi mga maykaya ang tinatamaan ng kanilang “Oplan Galugad” dahil kultura man ang magkita at magbalitaa­n, mayroon silang espasyo. Puwede nilang magamit dito ang kanilang mga tahanan o kaya naman ay restaurant sila magkikita-kita.

Pero, hindi sa makitid na pananaw ko isinasaala­ng-alang ang “Oplan Galugad.” Lumaki itong isyu dahil nga sangkot na rito ang karapatang sibil at pantao ng mamamayan. Tulad ng sinabi ko, kayang gawing malaking isyu ng administra­syon ang hindi gaanong pinapansin dahil may mga konsideras­yong nakapaloob dito na makabibiga­t sa mamamayan. Naghamon pa nga si Pangulong Duterte na ang kumukuwest­yon dito ay magtungo sa Korte Suprema. Para dito matuon ang pansin ng taumbayan? Eh may higit na mahalagang isyung dapat pahalagaha­n nila, isa na rito ay ang regular nang paglapag ng eroplano ng China sa kinalalagy­an ng Pangulo sa Davao.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines