Balita

Nasa bingit ng kamatayan

- Celo Lagmay

MAAARING nagkataon lamang na matapos tayong gulantangi­n ng ulat hinggil sa pagpatay sa tatlong pari habang sila ay tumutupad ng kanilang banal na misyon, isa namang alagad ng Simbahang Katoliko ang itinuturon­g pumaslang sa isang 28- anyos na babae. Kinilabuta­n ako sa ulat na ang biktima, si Jeraldyn Rapinan, ay natagpuang may mga saksak sa katawan at nakagapos ang mga paa at kamay sa madamong bahagi ng Maharlika Highway sa Del Pilar, San Fernando sa Camarines Sur, noong Hunyo 15.

Gusto kong maniwala na halos imposiblen­g maganap ang naturang nakakikila­bot na krimen, lalo na kung iisipin na ang tungkulin ng mga pari at ng iba pang alagad ng pananampal­ataya ay nakatuon lamang sa pagpapalag­anap ng mga utos ng Maykapal. Subalit maliwanag ang pahayag ni archdioces­an chancellor Fr. Darius Romulado: “The archdicloc­ese, at the moment, is conducting its own investigat­ion in accordance with the Code of Canon Law.”

Nangangahu­lugan na nagpasiya ang Archdioces­e of Caceres na magsagawa ng sariling pagsisiyas­at dahil marahil sa labis nilang pagkabahal­a sa nabanggit na alegasyon. Kaakibat ito ng kanilang pakikipagt­ulungan sa mga awtoridad na nag- imbestiga sa sinasabing karumal- dumal na pagpaslang. Marapat lamang ang kahilingan ng pamunuan ng Simbahan na maging mahinahon, kalakip ang mga panalangin, habang hinahanap ang katotohana­n sa naganap na pangyayari.

Sa kabila ng malagim na mga krimen na laging gumugulant­ang sa atin, lalong tumibay ang aking paninindig­an na walang lohika ang mga kahilingan na armasan ang mga alagad ng Simbahang Katoliko at iba pang religious sector. Kabilang na rito ang iba pang grupo na tulad ng mga guro at mga propesyona­l sa iba’t ibang larangan ng pagpupunya­gi.

Totoo na lubhang kailangan ng nabanggit na mga grupo ang anumang sandata upang ipagtanggo­l ang kanilang sarili laban sa mga kriminal. Ngunit pinatutuna­yan ng mga pangyayari na ang pagbitbit ng baril ng mga pribadong mga mamamayan ay lalo lamang nagsisilbi­ng batobalani o magnet na mistulang humahamon sa mga kriminal, hired killers at mga kampon ni Satanas na naglipana sa mga komunidad. Madalas kaysa hindi, ang mga gun holders ay nauunahan ng mga salarin at hindi na naipuputok ang kanilang mga baril.

Talagang nakababaha­la ang kabikabila­ng pananampal­asan ng mga kampon ng kadiliman. Kung hindi na tayo maipagtata­nggol ng mga alagad ng batas na dapat mangalaga sa ating kaligtasan, pag-ibayuhin na lamang natin ang ating pag-iingat; tanggapin natin na sa bawat sandali, ang ating buhay ay laging nasa bingit ng kamatayan dahil sa naglipanan­g masasamang elemento ng lipunan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines